Balita

Jinggoy laya na matapos magpiyansa ng R1.3M

- Nina BETH CAMIA at ROMMEL TABBAD May ulat ni Czarina Nicole O. Ong

Makalipas ang tatlong taon, pormal nang nakalabas kahapon ng tanghali mula sa Philippine National Police ( PNP) Custodial Center sa Camp Crame si dating Senador Jinggoy Estrada matapos niyang matanggap ang release order mula sa Sandiganba­yan makaraan siyang magbayad ng P1.3-milyon piyansa.

Mag- aalas onse ng umaga nang ilabas ang isang-pahinang kautusan na pirmado ni Associate Justice Edgardo Caldona ng 5th Division na nagpapawal­angbisa sa arrest order laban kay Estrada, at maaari na itong pansamanta­lang makalaya.

Ito ay matapos na magbayad ng P1.3 milyon piyansa ang mga abogado ng dating senador, sa pangunguna ni Atty. Alexis Suarez, sa mga kasong plunder at graft, na may kabuuang halaga na P1,330,000—P1 milyon para sa plunder, at P330,000 para sa kabuuang 11 bilang ng graft.

Bandang 12:39 ng tanghali kahapon nang bago lumabas sa Custodial Center ay sinuri muna si Estrada ng mga doktor ng PNP General Hospital bilang parte ng final check-up sa kanya.

Kasama ni Estrada mula sa Camp Crame ang kanyang asawang si Precy at mga anak na sina San Juan City Vice Mayor Janella, Julian Emilio, Joseph Luis Manuel, at Julienne. Kasama rin niya ang kapatid na si Jude.

Nang sumakay sa convoy palabas ng Crame, kumaway pa si Estrada sa kanyang mga tagasuport­a, na dumayo pa para masaksihan ang kanyang paglaya makalipas ang tatlong taong pagkakapii­t.

DASAL PARA KAY BONG

“Nagpapasal­amat ako sa mga nagdasal para rito, para makalaya ako,” sinabi ni Estrada sa mga miyembro ng media. “Idinarasal ko rin na sana ay makapag-bail na rin si Sen. Bong Revilla.”

Gaya ni Estrada, nakulong din sa PNP Custodial Center ang matalik na kaibigan at kapwa dating senador na si Revilla dahil sa pagkakasan­gkot sa “pork barrel” scam noong 2014. Nahaharap din sa kaparehong kaso si dating Senador Juan Ponce Enrile, na unang pinayagan ng Sandiganba­yan na magpiyansa.

Akusado si Estrada sa umano’y ilegal na paggamit sa P183 milyon ng kanyang Priority Developmen­t Assistance Fund ( PDAF), na sinasabing napunta sa mga pekeng nongovernm­ent organizati­on (NGO) ng negosyante­ng si Janet Lim Napoles.

Bagamat walang piyansa ang plunder, nagdesisyo­n kamakailan ang Sandiganba­yan Fifth Division sa botong 3-2 at pinayagang pansamanta­lang makalaya si Estrada. Ayon sa korte, mahina ang ebidensiya ng prosekusyo­n laban sa dating senador, at hindi ito ang “main plunderer” sa kaso.

‘WALA NANG GUWARDIYA’

Mula sa Camp Crame, bandang 1: 05 ng hapon ay nagtungo si Estrada sa Sandiganba­yan para tapusin ang kanyang bailing procedure, gaya ng finger printing at paglagda sa ilang dokumento kaugnay ng pagpipiyan­sa.

“Free man na ako. Pagpunta ko dito sa Sandiganba­yan, wala nang guwardiya sa likod ko, sa harap ko, sa tagiliran ko. I’m a free man already, but I will religiousl­y attend the hearings of my plunder case,” pahayag ni Estrada.

Iginiit din niyang walang katotohana­n ang mga akusasyon laban sa kanya. “I deny all the allegation­s against me. Wala po akong ninakaw,” ani Estrada.

NANANGHALI, NAGSIMBA

Pagkatapos sa Sandiganba­yan ay nagtungo sa isang restaurant ang pamilya si Estrada para sa pananghali­an. Doon ay mainit siyang sinalubong ng iba pang miyembro ng kanyang pamilya, sa pangunguna ng mga magulang niyang sina dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada at dating Senador Loi Ejercito.

Dumiretso rin sa Pinaglaban­an Church sa San Juan City ang buong pamilya Estrada para dumalo sa thanksgivi­ng mass para kay Jinggoy.

 ?? MARK BALMORES ?? SA WAKAS! Sinalubong kahapon ng yakap ni dating Senador Jinggoy Estrada ang kanyang ina na si Dr. Loi Ejercito, gayundin ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada nang dumiretso siya sa isang restaurant sa San Juan City para sa salu-salo ng...
MARK BALMORES SA WAKAS! Sinalubong kahapon ng yakap ni dating Senador Jinggoy Estrada ang kanyang ina na si Dr. Loi Ejercito, gayundin ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada nang dumiretso siya sa isang restaurant sa San Juan City para sa salu-salo ng...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines