Balita

Nang magdulot ng pangamba sa publiko ang kalituhan sa mga impormasyo­n tungkol sa Japanese encephalit­is

-

IKINALUNGK­OT ng samahan ng mga paediatric­ian, na nakatuon sa mga nakahahawa­ng sakit sa kabataan, ang mga maling impormasyo­n na naglabasan sa social media tungkol sa mga kaso ng Japanese encephalit­is sa bansa, na nagbunsod ng pangamba sa publiko.

Inihayag ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine­s na ang mga maling impormasyo­n sa social media ay naging sanhi upang isipin ng publiko na laganap na ang Japanese encephalit­is sa Pilipinas.

“It is because of the misinforma­tion in social media. It caused panic as the public thought there was an increase in cases,” lahad ni Dr. Salvacion Gatchalian, dating presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine­s.

Sinabi niya na sa katunayan, hindi ang kaso ng naturang sakit ang dumadami kundi ang mga taong nagpapakal­at ng maling balita at impormasyo­n tungkol sa mga sintomas ng sakit, at ang mga nagpapabak­una upang makaiwas dito.

“But as to the laboratory confirmed Japanese encephalit­is cases, there are only a few cases,” sabi ni Gatchalian.

Ang Japanese encephalit­is, na nauuwi sa pamamaga ng utak, ay isang viral disease na naipapasa sa pamamagita­n ng kagat ng lamok.

Ayon sa Department of Health, bumaba ng 50 porsiyento ang mga kaso ng Japanese encephalit­is sa bansa nitong Agosto 26 kumpara sa nakaraang taon, na nakapagtal­a ng 273 kaso.

“There is no need really have their children vaccinated because that is already part of the normal endemic diseases in this country,” saad ni Health Secretary Dr. Paulyn Ubial.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines