Jenine Desiderio, naging girlfriend din ni John Lloyd

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni JIMI ESCALA

MAINIT na isyu pa rin hanggang ngayon ang escapade nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa Bantayan Island sa Cebu na nag-viral nang i-upload sa social media. Pero mukhang parehong hindi apektado ang dalawa, mas apektado pa nga ang supporters ni John Lloyd at pati na si Mr. M ng Star Magic ay nagpa-press release pa para ipagtanggol ang isa sa mga sikat nilang alaga. Ngayon, isa- isa namang naglalabasan ang pangalan ng mga nakarelasyon diumano ni John Lloyd at ang nakakagulat, pati pala si Jenine Desiderio ay naging girlfriend niya, huh!

Ito ang binanggit sa amin ng isa sa mga source namin na may konek din sa dalawang nabanggit. Iilan lang daw ang nakakaalam sa patagong relasyon nina Lloydie at ng ina ng young actress na si Janella Salvador.

Although, hindi raw naman nagtagal at inabot lang daw yata ng ilang buwan, aware raw nnaman si Janella sa pakikipagrelasyon ng ina kay John Lloyd..

“Mahilig talaga si John Lloyd sa medyo may edad sa kanya. Pero sa totoo lang naman, eh, hindi pa naman ganu’n katanda si Jenine. In fact, ilang taon lang naman ang agwat nila ni Ruffa Gutierrez na nakarelasyon din ni Lloydie,” sey ng source namin.

Samantala, may bago na namang video na ini-upload si Ellen na kuha sa isang hotel at pati si John Lloyd ay inilantad na rin sa IG account niya ang pictures nilang dalawa ni Ellen nang manood sila nng sine at nag-dinner. Obserbasyon pa ng source namin ay mukhangh hindi raw mapigil ng mga taongg nagmamalasakit kay John Lloyd angg patuloy pa pagkaka-link ng aktor

saa sexy star na sinasabing nakakasira raw sa imahe ng kapamilya aktor,

Jenine at John Lloyd

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.