Aktres na walang paki sa nilalabag na kontrata, kina- karma na

Balita - - Showbiz Atbp. - Reggee Bonoan

KINA-KARMA na ang aktres na hindi tinatapos ang kontrata sa kanyang mga naging manager at sa isang movie outfit dahil mahina ang raket niya ngayon bukod pa sa hindi rin maganda ang resulta sa takilya ng pelikulang pinagbibidahan niya. Naging ugali na pala talaga ng aktres na hindi tinatapos ang mga kontrata niya. May narinig na kami noon na iniwan niya ang manager niya kahit hindi pa tapos ang kontrata at ang ikinatwiran ay magbabakasyon lang, pero sa kalaunan ay nalaman ng naturang manager na may iba nang kinausap na magma-manage sa kanya.

Naulit sa ikalawang manager ang ginawa ng aktres dahil iniwan ulit pero hindi binanggit sa amin ang dahilan, hanggang sa nagkaroon ng ikatlong manager at ikaapat pa.

Iisa ang kuwento ng mga naging manager ng aktres, mahirap nang ihanap ng project kaya hindi na hinabol at pinakawalan na nila.

Heto na, may nakatsikahan kaming malapit sa isang movie producer na hindi rin pala tinapos ng aktres ang kontrata kaya nagulat na lang nang malamang may iba na namang pinirmahang kontrata na sa tingin ng aktres ay makakatulong sa kanya ng malaki.

Mabuti’t hindi kinakasuhan ang aktres ng breach of contract.

“Hindi na rin naging interesado ang managers niya at ‘yung movie producer kasi wala raw naman silang mapapala at waste of time lang,” tsika sa amin ng taga-production na nakatrabaho si aktres.

Bakit nga ba hindi nakukuntento si Aktres sa career niya? Dapat ay magpasalamat na lang siya na may mga kumukuha pa sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.