Fans ni Dennis, ‘di natuwa sa maagang pagkamatay ng karakter sa ‘MvsR’

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

NAGULAT ang sumusubaybay sa Mulawin vs Ravena dahil sa episode noong Wednesday, September 13, namatay na ang karakter ni Dennis Trillo na si Gabriel.

Karaniwan sa mga teleserye, dito man o sa ibang bansa, hindi namamatay ang mga bida. Hindi lang ang mga artista, pati talent managers, partikular sa bagay na ito, pero si Dennis at ang manager na si Popoy Caritativo, pumayag nang patayin ang karakter ni Dennis. Natatandaan namin sa mga naunang interview, nabanggit ni Dennis na ang isa sa mga rason kung bakit pumayag siyang tanggapin ang Mulawin vs Ravena ay dahil big challenge sa kanyang gampanan ang karakter ni Gabriel. Ang pagkamatay kaya ng naturang karakter ang challenge na binanggit ni Dennis? As expected, hindi lahat ng viewers, lalo na ang fans ni Dennis ay natuwa sa ending. Ayaw nilang namatay ang aktor, pero may mga umasa na may sorpresang mangyayari sa last episode (last Friday). Fantaserye ito at ang namamatay ay nabubuhay, kaya panoorin pa rin ang final episode. Samantala, nakabalik na sina Dennis at Jennylyn Mercado mula sa extended vacation nila sa Europe. Favorite place ng dalawa ang Amsterdam kaya bago pumunta sa Paris sa kasal nina doctors Hayden

Kho at Vicki Belo, dumaan muna sila sa Amsterdam at bumalik after Paris bago umuwi ng Pilipinas. Hindi kami magugulat kung sa Amsterdam gustuhing magpakasal nina Dennis at Jennylyn pagdating ng araw o kundi man doon magpakasal ay baka doon ang honeymoon nila.

Dennis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.