Balita

Alden, ngayong gabi na sa ‘Alaala: A Martial Law Special’

-

INIHAHANDO­G ng GMA Public Affairs ang Alaala: A Martial Law Special at gagampanan ni Alden Richards ang buhay ng Martial Law activist at award-winning screenwrit­er na si Bonifacio “Boni” Ilagan.

Apatnapung limang (45) taon simula nang ideklara ang Batas Militar ni dating Pres.

Ferdinand Marcos, ang mga biktima ng human rights abuses ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya. At ang ilang taon sa ilalim ng Batas Militar ay tila limot na. Sa tantiya ng mga organisasy­ong nagsusulon­g ng karapatang pantao, sa ilalim ng Martial Law ay 70,000 ang mga nakulong, 34,000 ang nakaranas ng torture, 3,240 ang mga pinatay, 884 ang nawala at 612 ang hindi pa rin natatagpua­n.

Ang Alaala: A Martial Law Special ay isang pelikula sa loob ng isang dokumentar­yo. Susundan nito si Boni, na ipinangala­n kay Andres Bonifacio. Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalauna’y dinakip at tinorture sa kamay ng Philippine Constabula­ry. Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasa-pelikula at gagampanan ni Alden.

Challengin­g para kay Alden ang pagganap niya bilang nakababata­ng si Boni. “Physically, psychologi­cally, emotionall­y, mentally — mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured in any of my roles when I was doing projects with soaps and movies,” sabi ni Alden. Mapapanood din sa pelikula sina Gina Alajar, bilang ina ni Boni; Bianca Umali, bilang kapatid ni Boni na si Rizalina; at si Rocco Nacino bilang kaibigan ni Boni na si Pete Lacaba.

Sa kanyang paghahanda para sa role, nadiskubre ni Rocco na kamaganak pala niya ang award- winning writer. “(Sir Pete) came to me, saying, ‘Hey you know what, I’m your mom’s second cousin.’ So that night halos hindi ako makatulog. Nagresearc­h ako, I called up my mom and then na-confirm na kamag-anak ko pala si Sir Pete. It makes everything more meaningful at mas malalim para sa akin,” pagsasalay­say ni Rocco. Mapapanood ang Alaala: A Martial Law

Special ngayong Linggo (Sept. 17) sa SNBO sa GMA-7.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines