Balita

Pasiklab ni Abra sa ‘Respeto,’ umani ng papuri

-

REBELASYON ang galing ng rapper/hip-hop artist na si Abra sa Cinemalaya 2017’s most-awarded indie film at pinag-usapan, ang Respeto. Bukod sa kahusayan sa pagiging musikero, nanggulat din siya sa galing niya sa pag-arte.

Sa Respeto, nagkrus ang landas nina Hendr ix ( Abra), isang ambisyoson­g hip- hop artist, at matandang poet na si Doc ( Dido de la Paz), na isa palang aktibistan­g survivor ng brutal na nakaraang Martial Law. Magkaiba man sila ng mundo at henerasyon­g kinamulata­n, nabuo ang isang pagkakaibi­gan na bihira nang mangyari sa kasalukuya­ng panahon.

Dahil sa ganda ng kuwento, kapuripuri­ng pagganap at direksiyon ni

Alberto Monteras mula sa Arkeo Films

tumanggap ito awards gaya ng Best Picture, NETPAC ( Network for the Promotion of Asian Cinema) Prize, Audience Choice. Pinalakpak­an din ang performanc­es nina Dido at Abra.

Bukod kay Abra, kasama niyang makipagbak­bakan sa rapping si Loonie, ang MC Rappers na

sina Mike Swift, Spekz Abbaddon, J Skeelz, Mike Rosa at M- Zhayt. Introducin­g ang female rap artist na si Luxuria.

Third movie ito ni Abra na unang lumabas sa Boy Pick Up The Movie at Kubot Aswang

Chronicles matapos umingay ang pagiging rapper niya.

Mapapanood ang Respeto sa Setyembre 20, isang araw bago ang paggunita sa Martial Law, mapapanood ito sa Cine Adarna sa UP sa Setyembre 19, 7 PM, bilang kick off sa komemorasy­on sa 45 taon na mula nang ideklara ang Batas Militar.

 ??  ?? Abra
Abra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines