Francia Raisa, ‘beyond grateful’ sa pagbigay ng kidney kay Selena Gomez

Balita - - Showbiz -

SINABI ng aktres na si Francia Raisa na “beyond grateful” siya na makapag-donate ng kidney sa kanyang best friend na si Selena Gomez dahil binago ng karanasan ang kanyang buhay.

Ibinunyag ng Come and Get It hitmaker, nasuring may autoimmune disease na Lupus noong 2015, ang tungkol sa operasyon sa isang candid Instagram post noong Huwebes ng umaga, sinabing sumailalim siya sa kidney transplant nitong summer.

Pinuri ni Selena ang kanyang donor, ang aktres at kaibigang si Francia, sa pagbibigay sa kanya ng “ultimate gift” ng kidney nito, idinagdag na, “I am incredibly blessed. I love you so much sis”.

Ibinahagi niya ang mensahe ng pasasalamat kasama ng litrato nilang dalawa na magkahawakkamay habang nakahiga sa magkatabing hospital beds. Ngayon nilinaw ni Francia, lumabas sa pelikulang Bring It On: All or Nothing at iba pang TV shows gaya ng CSI: Crime Scene Investigation, na pareho sila ng nararamdaman sa kanyang sariling madamdaming post sa social media. Ibinahagi ang parehong hospital bed photo sa kanyang Instagram account, inamin ni Francia na naging eye-opening experience para sa kaniya ang maging organ donor. “I am beyond grateful that God would trust me with something that not only saved a life, but changed mine in the process,” caption niya sa imahe. “This was part of our story, and we will share it soon, but what is important now is that this is not the only story. For more information regarding Lupus, please go to the Lupus Research Alliance website: www.lupusresearch.org -- Love you sis, so glad we’re on this journey together. xx” Ang heartwarming post ni Francia ay nagtulak sa Modern Family actress na si Sarah Hyland, nagkaroon din ng kidney transplant noong 2012, na papurihan ang kaibigan, nagkomentong, “You’re an angel!” Nakabangon na si Selena mula sa kanyang lifechanging operation at naispatang nagbabalik sa trabaho sa New York City sa set ng bagong pelikula ni Woody Allen noong Huwebes, ilang oras matapos ang kanyang big surgery reveal.

Selena at Francia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.