Bagong kalaban ni Superman: white supremacists

Balita - - Showbiz -

Hindi na mga planet-destroying extra-terrestrials o billionaire evil geniuses ang mga kontrabida: Ang bagong misyon ni Superman, ang DC Comics superhero, ay protektahan ang hardworking immigrants mula sa white supremacist bullies.

Sa latest edition ng “Action Comics” series, naglalathala ng adventures ni Superman simula 1938, pumagitna ang “Man of Steel” para pigilan ang isang factory worker na nawalan ng trabaho na nais patayin ang ilang immigrants.

Suot ang asul na work shirt at red-white-and-blue bandana, kinakatawan ng bigotilyong cartoon villain ang lahat ng cliché ng maralitang blue-collar American.

Hawak ang baril, pinagbantaan niya ang mga babaeng naka-belo at nagngingitngit sa Hispanic workers, na inaakusahan niyang umagaw ng kanyang trabaho.

“You work cheap, don’t speak English so you can’t talk back or even ask for a penny more. You cost me my job! My livelihood! For that… you pay!” aniya, habang nagpapaulan ng bala.

Sa puntong ito pumagitna si Superman, at nagtalbugan ang mga bala sa kanyang dibdib, upang sagipin ang mga inaapi.

“The only person responsible for the blackness smothering your soul is you,” anang Superman sa white supremacist.

Ang passage ay nagpapaalala sa mga bayolenteng protesta kamakailan ng American rightwing extremists.

Nitong Agosto, isang 32-anyos na babae ang sinagasaan at napatay ng isang Nazi sympathizer sa bayolenteng “Unite the Right” rally sa Charlottesville, Virginia.

Noong 2015, binaril at napatay ni Dylann Roof, isang white supremacist, ang siyam na black worshippers sa isang simbahan sa Charleston, South Carolina.

Madalas na humuhugot sa social issues ang American comic books, para sa up-to-the-minute material sa kasalukuyang public conflicts at mga debate.

Ang Marvel Comics, halimbawa, ay naglunsad ng bagong bersiyon ng Spider-Man noong 2011, na ginawa siyang halfblack, half-Hispanic.

Noong 2016, naglathala ang DC Comics ng seven issue miniseries na pinamagatang Superman: American Alien.

Dito, si Kal-El (tunay na pangalan ni Superman) ay nahihirapang i-reconcile ang kanyang extraterrestrial origins sa kanyang bagong buhay sa Earth.

Lumalabas na si Superman ay isang immigrant, na umalis sa kanyang nawasak na planetang Krypton nang siya ay sanggol at nakita at inampon ng isang mag-asawang America sa Kansas.

Parehong Jews na may European descent ang creators ng Superman na sina Jerry Siegel at Joe Shuster, at ang istorya ni Superman ay kahalintulad ng pakikipagsapalaran ng European immigrant noong 1930s na naghahanap ng kapayapaan at kasaganaan sa United States.

Ang “Man of Steel,” na ang caped costume ay inspired ng Stars and Stripes, ay lumaki sa isang farm at kumakatawan sa American dream.

Superman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.