Canelo, patutulugin si Golovkin —Hopkins

Balita - - Sports - Ni GILBERT ESPEÑA

KUNG pabor si eight-division world champion Manny Pacquiao kay undisputed middleweight champion Gennady “GGG” Golovkin na magwagi kay Saul “Canelo” Alvarez, naniniwala naman si multi-division world titlist Bernard Hopkins na ilalampaso ng Mexican ang boksingero mula sa Kazakhstan.

Maglalaban ngayon sina Golovkin at Alvarez para sa WBC, WBA, IBF, IBO at Ring Magazine middleweight titles na bahagyang paborito ang kinatatakutang European na kilalang knockout artist sa pagpapatulog sa 33 sa 37 nakalabang boksingero.

Ngunit, para kay Hopkins na katambal ngayon ni Oscar dela Hoya sa Golden Boy Promotions, kayang-kaya ni Alvarez si Golovkin.

“Canelo’s gonna whoop his ass, he’s gonna make this thing look different than you’ve never seen it before,” sabi ni Hopkins sa Omnisport na binalewala ang lamang sa pustahan sa Las Vegas, Nevada para kay Golovkin bilang 7-5 favorite.

Para naman kay Alvarez na may kartadang 49-1-1 na may 34 panalo sa knockouts.

“I’m ready to go! The talking has been done, we have weighedin and now it is about getting in the ring and fighting. I’m ready to show how a true Mexican fights,” sabi ni Canelo sa BoxNation. “I am going to give the fans a special fight - a real fight. I am ready for him and whatever he comes with. If he wants to stand toe-to-toe I will not back down. However he wants to fight I am ready.”

“This is the fight boxing wanted and now it is here. I am ready to reign at the top of the middleweight division for a long time,” dagdag ni Canelo.

AP

GANITO! Iminuwestra ni Saul Alvarez ang pamatay na bigwas, habang tahimik sa kanyang tabi ang karibal na si Gennady Golovkin sa pagharap sa media matapos ang isinagawang weigh-in para sa kanilang duwelo ngayon sa Las Vegas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.