Balita

Krisis sa NoKor, Myanmar sentro ng UN assembly

-

UNITED NATIONS (AP) – Nahaharap sa tumitindin­g banta ng nuclear mula sa North Korea at mass flight ng mga minority Muslim mula sa Myanmar, sisimulan ng mga nagtipong lider United Nations ngayong Lunes ang pagtalakay dito at iba pang mga hamon – mula sa paglaganap ng terorismo hanggang sa pag-init ng planeta.

Nasa spotlight si U.S. President Donald Trump at bagong lider ng France na si Emmanuel Macron, na kapwa dadalo sa General Assembly sa unang pagkakatao­n.

Ang North Korea, na tinawag ni SecretaryG­eneral Antonio Guterres na “the most dangerous crisis that we face today,” ang mahigpit na babantayan at magiging pangunahin­g isyu para sa maraming lider. Sumusunod dito ang kalagayan ng Rohingya Muslims ng Myanmar, na mga biktima ng tinatawag ni Guterres na ethnic cleansing.

Pagtutuuna­n din ng mga lider ang ikatlong pinakamala­king banta – ang climate change. Pangunguna­han ni Macron ang pagpupulon­g sa Martes para simulan ang implementa­syon ng 2015 Paris Climate Agreement.

Nasa agenda rin ang terrorism-related events. Isang side event sa Miyerkules kaugnay sa “Preventing Terrorist Use of the Internet” ang dadaluhan ng senior representa­tives ng malalaking social media companies. Co-host dito ang Britain, France at Italy.

Tatalakayi­n din sa ministeria­l meeting ang pagtatamo ng U.N. goals sa 2030 na wakasan ang kahirapan at mapreserba ang planeta, economic empowermen­t ng kababaihan, migration at pagiwas sa digmaan.

Ang General Assembly ministeria­l sessions ay magsisimul­a sa Martes at magtatapos sa Setyembre 25.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines