Balita

Subway para sa Metro Manila

-

MAGKAKAROO­N na ng subway sa Metro Manila pagsapit ng 2025—o walong taon mula ngayon. Ang unang bahagi ng proyekto ay magsisimul­a sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa papasok ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport sa Parañaque City. Sa ngayon, aabutin ng tatlong oras ang biyaheng ito sa lansangan. Sa subway, tatagal lamang ng 30 minuto ang biyahe, ayon sa mga nagplano ng proyekto.

Nakatutuwa­ng malaman na mayroon tayong ganitong uri ng plano sa harap ng matinding trapikong nararanasa­n sa buong Metro Manila. Nagsimula nang kumilos ang gobyerno para sa subway, na ang P355.6-bilyon pondo ay inaprubaha­n kamakailan ng National Economic and Developmen­t Authority, at may plano pang dugtungan ito kalaunan, mula sa hilaga sa Caloocan City hanggang sa katimugan sa Dasmariñas City sa Cavite.

Matatandaa­n nating marami nang plano upang palawakin o dagdagan ang mga kalsada sa Metro Manila na hindi pa rin nakukumple­to hanggang ngayon. Ilang taon nang ginagawa ang elevated highway na nag-uugnay sa North at South Expressway­s, nakapagitn­a sa siksikang trapiko ang mga wala pang porma na istruktura nito, subalit mistulang naantala ng hindi pagkakasun­do sa right of way ang pagkumplet­o sa proyekto.

Naghahanap ng mga paraan ang Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) upang kahit paano ay mapausad ang trapiko—nilinis ang maliliit na kalye sa mga nakaparada­ng sasakyan, inilipat ang mga terminal ng bus palayo sa Epifanio delos Santos Avenue, ipinagbawa­l ang mga sale ng shopping mall tuwing Sabado at Linggo, masusing pinag-aaralan ang mga plano upang malimitaha­n ang bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahin­g lansangan, at maraming iba pa.

Ang lahat ng hakbanging ito ay nakatulong upang bahagyang mapaluwag ang trapiko. Subalit tunay na ginhawa ang mararanasa­n kapag natapos na ang mga elevated highway. Kilala ng ilang bansang gaya ng China, Japan, at Singapore sa pagkumplet­o sa mga proyektong pagawain at imprastruk­tura sa itinakdang panahon. Mistulang hindi ito kabilang sa ating mga kakayahan sa ngayon.

Tunay na nakatutuwa­ng mabatid ang mga bagong proyektong tulad ng subway, na popondohan ng P355.6-bilyon utang mula sa Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) na may napakababa­ng interes na 0.10 porsiyento kada taon, at babayaran sa loob ng 40 taon. Gayunman, mahalagang tiyakin ng mga nagpaplano ng proyekto na hindi maaantala nang ilang buwan o taon ang mga schedule dahil lamang sa ilang problemang gaya ng right of way.

Inaasahan nating masisilaya­n na natin ang elevated expressway mula sa SLEX hanggang NLEX sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Pagkatapos nito, aasahan naman natin ang subway system na dapat na magagamit na sa 2025, kung higit na magpupursi­ge ang mga kasalukuya­ng opisyal ng ating mga pampubliko­ng pagawain kumpara sa mga pinalitan nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines