Balita

Dapat na katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagpigil sa pagdami ng kaso ng HIV

-

ANG patuloy na pagdami ng kaso ng Human Immunodefi­ciency Virus ( HIV), bukod sa malaking usapin para sa Department of Health, ay dapat ding masusing pagtuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan. Ito ay ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada. “It is bad enough that thousands of people get infected with HIV every day, so no one should remain complacent. Fighting this epidemic requires the determined effort of everyone, especially us local officials,” aniya.

Nanawagan si Estrada sa kanyang mga kapwa alkalde na isama sa kanilang mga prayoridad na proyekto at pagpopondo ang komprehens­ibong programa sa kamalayan sa Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS at pagpigil sa sakit sa kani- kanilang hurisdiksi­yon.

Kamakailan ay tinukoy ng pamahalaan­g lungsod bilang HIV treatment club ang ospital na pinanganga­siwaan ng siyudad, ang Sta. Ana Hospital.

Nakatupad ang ospital sa basic requiremen­ts ng Department of Health upang matukoy bilang HIV treatment facility, gaya ng pagkakaroo­n ng laboratory­o para sa paggamot at analysis ng HIV- infected blood, mga trained personnel para sa counsellin­g sa mga pasyenteng mayroong HIV, pati na rin ang mga highly trained na nurse at iba pang medical staff, at pagpapagan­da at pagbili ng mga kinakailan­gan sa pasilidad, pahayag ni Estrada.

Ang 500- bed, 10- story na Sta. Ana Hospital ay isa sa anim na pampubliko­ng ospital sa lungsod na sumailalim sa P500- milyon renovation sa ilalim ng administra­syon ni Estrada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines