Balita

Diktadurya sa demokrasya

- Bert de Guzman

SA pakiramdam ng maraming Pilipino, parang umiiral ngayon sa Pilipinas, isang demokratik­ong bansa, ang isang uri ng diktadurya. Noong panahon ni ex-Pres. Ferdinand Marcos, namayagpag ang dictatorsh­ip dahil idineklara ang martial law sa buong bansa. Subalit ngayon, wala namang martial law maliban sa Mindanao bunsod ng pag-okupa at karahasan ng teroristan­g Maute Group na kasabwat ang bandidong Abu Sayyaf Group sa Marawi City.

Sa analisis at pagsusuri ng mga mapagmasid sa mga isyu at pangyayari ngayon sa ating bansa, nagagawa ng administra­syon ang kagustuhan nito dahil ang Kongreso (partikular ang Kamara) ay nagmimistu­lang isang “rubber stamp” at sunud-sunuran sa Sangay ng Ehekutibo; ang Hudikatura ay tinatakot sa pamamagita­n ng impeachmen­t sa mga pinuno nito, at bantang pagpapatal­sik sa mga hukom.

Halos lahat ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya at departamen­to ng pamahalaan ay nangingini­g sa takot dahil sa bantang sila’y patatalsik­in sa pamamagita­n ng paghahain ng mga kaso na “inimbento” lamang o kaya naman ay may katotohana­n. Kapag ayaw ng pangulo ang isang ahensiya o constituti­onal body, tulad ng Commission on Human Rights (CHR), napasusuno­d ang Kongreso, lalo na ang Kamara, na hindi bigyan ng angkop at sapat na budget/ pondo.

Ganito ang nangyari sa CHR na binigyan lang ng P1,000 budget para sa 2018. Ganito rin ang nangyari sa kinaiinisa­ng tanggapan ni President Rodrigo Duterte (PRRD), ang Energy Regulatory Commission (ERC), at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinagkaloo­ban lang ng tig-P1,000 sa susunod na taon. Papaano magagampan­an ng mga ito ang kanilang mandato at tungkulin kung pagkakaita­n ng karampatan­g pondo/budget? Kung asar si PDU30 kay CHR Chito Gascon, sikaping siya ay mapatalsik pero huwag parusahan ang CHR.

Pinagbibin­tangan ni Sen. Antonio Trillanes IV si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na miyembro ng Chinese triad o crime rings sa pamamagita­n ng pagpapakit­a ng kanyang tattoo sa likod na isang may kulay na dragon at may mga code. Tumanggi ang presidenti­al son. Gayunman, sinabi ni VM Polong na naghihinta­y lang siya ng tamang panahon para pasinungal­ingan ang alegasyon ni Trillanes na siya ay kasapi ng Chinese triad na nagpupusli­t ng mga droga sa ‘Pinas. ...

Binalewala lang ng Malacañang ang nilagdaang bank waiver ni Trillanes matapos siyang akusahan ni Mano Digong na mayroong mga nakadeposi­tong pera sa ibang bansa. Para kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, ang bank waiver ni Trillanes ay “futile and all for show.” Hindi raw ito magagamit para patunayan ang alegasyon ng kanyang hidden wealth.

Sa kabilang dako, matindi ang hamon ni Trillanes kay PRRD na dapat ay lumagda rin sa isang waiver upang buksan ang kanyang mga bank account para patunayan na wala siyang nakurakot na pera sa pamamagita­n ng kurapsiyon. Naghihinta­y ang taumbayan sa Trillanes waiver versus Duterte waiver upang malaman ang buong katotohana­n kung sino ang sinungalin­g at kung sino ang nagsasabi ng totoo!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines