Balita

1 Tim 2:1-8 ● Slm 28 ● Lc 7:1-10

-

Nang maituro ni Jesus sa mga tao ang lahat ng ito, siya’y pumasok ng Capernaum. Doo’y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Jesus, nagpasugo siya ng ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Jesus na puntahan at pagalingin ang alipin. Nang makita nila si Jesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo, sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. “Ipinagpata­yo pa niya tayo ng isang sinagoga.”

Kaya’t sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalub­ong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapag­od. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyosa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupa­n din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka! siya’y hahayo; at sa iba, ‘Halika, at siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa niya.” Namangha si Jesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya.

PAGSASADIW­A:

Hindi ako karapat- dapat na puntahan ninyo.— Bago natin tanggapin ang katawan ni Kristo sa Banal na Komunyon, buong kababaang-loob nating sinasambit, “Panginoon, hindi ako karapatdap­at na magpatuloy sa iyo.” Ito ay hango sa ebanghelyo sa araw na ito. Mababang-loob ang kapitang Romano. Batid niyang hindi siya karapat-dapat na puntahan ni Jesus sa kanyang tahanan. Napakagand­ang tularan ang gayong disposisyo­n.

Mabuting isipin na hindi tayo karapat-dapat upang hindi tayo madala ng tukso sa kapalaluan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines