Balita

Sue Ramirez, maraming experience sa multo

‘NABABALIW’ KAY JOAO CONSTANCIA

- Ni REGGEE BONOAN

ILANG beses na naming nasusulat si Sue Ramirez na madalas na tungkol sa maganda niyang ugali base sa namamasdan naming pakikihalu­bilo niya sa fans at kuwento na rin ng mga taga-production na nakakatrab­aho niya. Totoong sincere na tao pala talaga siya. Nakausap namin ang dalaga sa grand launching ng pelikulang The Debutantes ng Regal Entertainm­ent, na masasabing si Sue ang bida, pagkatapos ng Q and A at binanggit namin sa kanya na parati namin siyang nakikita sa hallway ng ELJ Building at palabati sa fans at higit sa lahat kapag may nagpapapic­ture kahit nagmamadal­i siya ay pinagbibig­yan niya at siya pa mismo ang humahawak ng cellphone para kunan ang grupo.

“Ay opo, ako po talaga ‘yung nagpapasal­amat sa kanila (supporters) sa sobrang dami ng artista sa ABS-CBN kapag nakakasalu­bong ko sila roon,” masayang sabi ng aktres.

Nasabi rin namin na nakikita namin siyang naglalakad sa kalsada galing ABS patawid ng McDonalds para sumakay sa naghihinta­y na taxi. Yes, Bossing DMB, hindi Uber o Grab ang service ni Sue.

“Ay, opo, talagang nagta-taxi po ako, minsan nga po nagtatrays­ikel lang ako kapag malapit lang pupuntahan ko,” pag-amin ng dalaga.

At hindi lang iyon, naikuwento rin ng ilang staff sa restaurant na kinakainan ni Sue sa ELJ Building na napakagala­ng ng dalaga kapag umoorder ng pagkain at marunong magpasalam­at. Maging sa The Loop o food court ng nasabing building ay puring-puri ang dalaga.

Grabe ka, Sue, wala man lang kaming narinig na negatibong komento tungkol sa ‘yo!

Going back to The Debutantes, halatang si Sue ang bida sa pelikula dahil siya lang ang hindi kaibigan sa grupo nina Michelle Vito, Channel Morales, Jane

de Leon at Miles Ocampo bukod pa na siya lang ang naiibang kulay ng damit sa presscon.

Pero base sa kuwento ng kanilang direktor na si Prime Cruz ay may kanya-kanyang highlight ang limang debutante na ayaw naman niyang ikuwento kung anu-ano ito.

“Medyo surprise po kasi, pero ang nakikita po sa trailer, namamatay ‘yung girls isa-isa na hindi natin alam kung bakit. May clue naman sa trailer kung sino,” sabi ni Direk Prime.

Sa ending lang malalaman kung sino ang killer at bakit sila pinapatay.

Pero base sa trailer ay binu-bully si Sue ni Jane kasama na ang grupo nitong sina Michelle, Channel at Miles. Sa isang party ay ipinahiya nila nang husto ang una at saka nagsimula ang mga nakakagimb­al na mga pangyayari.

May experience na ba si Sue sa multo o masamang element?

“Ako po maraming experience­s lalo na po nu’ng bagong lipat ako sa condo, maaga po kaming umalis ng kasama (PA) ko pinatay po namin ‘yung mga ilaw pagbalik po namin, bukas lahat ng ilaw sa banyo, sa kuwarto.

“And ang dami ko pong experience­s din ng sleep paralysis, nagkaroon po ng time na one whole month, every night po, eventually nawala rin. Sa condo, wala naman pong masamang nagawa sa akin, so okay lang, marami lang po talaga akong experience­s,” kuwento ni Sue.

Bakit ‘baliw’ ang paglalaraw­an ni Direk Prime sa kanya?

“Kasi po maski hindi ako kinakausap, kinakausap ko pa rin, dada po ako nang dada sa set, lahat tsinitsika ko. Siguro po ang pagkakahaw­ig ko sa role ko (sa Debutantes) ay ‘yung mga bubog niya na she lost of a love one. Sa family side po, nakakarela­te ako sa role ko.

“Ako po kasi, I lost my dad at 17, isa rin po iyon sa mga rason kung bakit hindi ako nag-debut kasi ang pangarap ko lang naman ay maisayaw ako ng daddy ko sa aking debut, pero hindi na po siya umabot kaya hindi ko na po itinuloy (party),” kuwento ng dalaga.

Lubos ang pasasalama­t ni Sue na nabigyan sila ng pelikula ng Regal Films at magkakasam­a pa sila ng kapwa niya Star Magic talents plus si Channel na naging kaibigan nila.

Pagkatapos ng Q and A ay nakatsikah­an si Sue ng ilang entertainm­ent media at dahil ang daming projects ngayon ng aktres ay may nabanggit na paborito raw kasi siya ngayon ni Mr. M ( Johnny Manahan).

“Naku, hindi po, sana-sana, ha-ha, wala naman pong favorite si Mr. M, lahat naman po kami sa Star Magic ay pantay ang pag-alaga ng aming tatay,” sambit ng dalaga.

Maraming fans si Sue at sa katunayan ay ang dami rin niyang followers sa IG na umabot sa 2.6M.

“Oo nga po, kasi natatawa sila sa mga pinagpopos­t ko po na mga kabaliwan ko, kaya po sinabihan akong baliw ni direk Prime. Like nag-post po ako ng nakanganga akong matulog, at itong double chin ko. Hayun, natatawa po lahat sa akin,” masayang kuwento ng dalaga.

Binisita namin ang Instagram account ni Sue at nakita namin ang iba’t ibang post niya na suot ang magagandan­g damit. In fairness, ang galing pumorma ng aktres, fashionist­a pala siya at isa ito sa gusto ng followers niya na marahil ay ginagaya nila.

Samantala, tinanong si Sue sa tsikang nabaliw din siya sa pag-ibig“,.

“Huh! Grabe naman. Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman nu’ng nabaliw sa pag-ibig,” sangga agad ng dalaga sabay bulong ng, “in love lang? Huwag muna, ang daming project, eh.”

Sa madaling salita, may love life si Sue at ayaw lang niyang pag-usapan.

“Hindi nman po sa hindi puwedeng pag-usapan, hindi lang po ‘yun ang concern ko ngayon,” sabi pa ni Sue. Kay Joao Constancia, isa sa miyembro ng Boyband PH, siya nababaliw. “Opo, we’re seeing each other, lumalabas po kami ni Joao, pero no pressure, kalma lang, alam naman namin ‘yung priorities namin pareho,” mabilis na pag-amin ng dalaga. Exclusivel­y dating ba sila ni Joao? “No pressure po. Opo, kaming dalawa lang lumalabas po kami, pero walang (relasyon). Hirit namin na ‘wala lang label?’ “O, sige po, kayo na lang (maglagay) ng label,” tumawang sagot ng dalaga. Matagal na ba silang lumalabas ni Joao? “Hindi po.” Nanliligaw ba si Joao sa kanya? “Tanungin n’yo po siya, ‘yun po ang dapat na itanong sa kanya,” sagot ng dalaga. If ever bang manligaw si Joao, sasagutin niya? “Hindi ko po masabi, basta sa ngayon, masaya kaming lumalabas.” Ano ang nagustuhan niya kay Joao? “Mabait siya po, sobra, very caring very pursigido siya sa mga ginagawa niya.”

At naloka kami sa sagot ni Sue nang tanungin namin kung kinakantah­an siya ni Joao bilang isa sa sinasabing ma-effort ang singer sa kanya.

“Ha-ha, hindi po siya kagalingan­g kumanta, alam niya ‘yan, alam niya po ‘yan, hindi siya magagalit sa akin,” tumatawang sabi ng aktres. E, bakit napili sa Boyband PH? “Kasi nga po gusto niya talaga ‘yung ginagawa niya,” biglang seryosong sagot ni Sue. Nakilala na ba ni Joao ang pamilya niya? “Umuwi po sila dito, okey naman po. Mabait ‘yung family niya, okey naman ‘yung family ko with him. ‘Yung pakikitung­o ko na tao lang, tinanggap din naman po bilang tao.”

Ang pinakanagu­stuhan ni Sue kay Joao, “Siya lang po ‘yung po ‘yung naglakas ng loob na humarap sa family ko.”

Kapag ganu’n ang lalaki, ibig sabihin seryoso at para ipakilala rin si Sue sa pamilya niya ay ibig sabihin, proud siya.

So, nag-meet na pala ang mga pamilya, iisa lang ibig sabihin, ‘kayo na.’

“Wala pa po kami sa level na wala, we’re just enjoying each other’s company when we go out. Ito lang po ang masasabi ko sa ngayon, wala po kaming pressurean. Wala po kaming hinihingi sa isa’t isa. ‘Yung give ang take namin, hindi ito forced. “Sa ngayon, happy lang,” paliwanag ni Sue. At sa nalalapit na Star Magic ball ay hindi raw si Joao ang date ni Sue.

“I’m walking the red carpet alone wearing my very Francis Libiran gown, and very excited for everyone to see,” masayang sabi ng dalaga. Bakit wala siyang date? “Wala lang, hindi po necessary maging magka-date sa Ball.”

Pero kung papipiliin siya, sino ang gusto niyang maka-date?

“Siyempre po si Joao kasi lumalabas naman na kami, pero hindi naman siya big deal, maybe we will be seeing each other inside, we will be talking. It’s a place and event to socialize with everybody, not just go out with just one person,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, mapapanood na ang The Debutantes sa Oktubre 4.

 ??  ?? Miles, Channel, Sue, Jane at Michelle
Miles, Channel, Sue, Jane at Michelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines