Balita

Ika-21 labas

- R.V. VILLANUEVA

“BULINGGIT, mali ang inisip mo kung bakit ko kikilitiin si Mang Edgardo,” wika ni Malut. “Wala akong balak na masama sa pagkiliti sa kaniya, natutuwa lang ako!” “Totoo?” Tanong ni Bulinggit. “Totoong totoo,” sagot ni Malut. “Gusto ko lang siyang kalaro kaya pupunta tayo sa bahay niya!”

“Sabagay, nakakatuwa talaga si Mang Edgardo. Bukod sa mahilig sa bata, mabait pa sa kanila,” wika ng tambulisli­s na si Oryung. “Hindi kaya siya ang ama mo?”

“Malabo,” sagot ni Malut. “Dahil sa kalagayan natin bilang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an, malabong mangyari ang iniisip mo!”

“’Yun kasi ang narinig ko sa kuwentuhan ng mga tao. Sanggol raw tayo ng taong nailabas sa tiyan sa hindi tamang panahon kaya naging ganito ang ating anyo,” paliwanag ni Oryung.

“Malay mo, totoo nga ang kuwento ng mga tao,” sang-ayon ni Bulinggit. “At kung totoo ang kuwento, malamang sa lugar na ito naniniraha­n ang ating kapamilya!”

“Puwedeng mangyari ‘yun, kung totoo ang kuwento ng mga tao,” sagot ni Malut. “Pero kung hindi, tiyak na nagmula tayo sa karimlang pinagmulan ng iba pang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

At habang nag-uusap, patuloy sa pagsunod kay Mang Edgardo ang mga tambulisli­s na tuloy-tuloy sa paglalakad pabalik sa kaniyang bahay na nakatirik sa niyugan ng kaibigang si Mang Daniel.

Matapos makarating sa kaniyang bahay, tumuloy na siya sa munting kuwarto ng bahay na gawa sa kawayan, kahoy at bubungang anahaw para matulog ng mahimbing dahil umeepekto na ang ininom na alak na barikolkol. Hindi na siya magluluto dahil inaya na silang kumain ni Mang Andong ni Aling Ebeng matapos ang kanilang paghaharap sa inuman. Matutulog na lang si Mang Edgardo ng marinig ang mahina at matinis na hagikhik ng nilikhang laging pumupunta sa kaniyang bahay, ang mga tambulisli­s na naniniraha­n sa malagong kawayanang sakop ng malawak na lupain ni Don Andres. Dahil laging kinikiliti ng mga nilikha, nag-isip ng paraan si Mang Edgardo para hindi makiliti ng mga tambulisli­s sa talampakan.

“Tiyak na kikilitiin na naman ako ng mga tambulisli­s na ‘yun kapag tulog na,” wika ni Mang Edgardo. “Kailangang makaisip ako ng paraan para hindi nila ako makiliti sa talampakan!”

At kaagad isinagawa ni Mang Edgardo ang naisip na paraan para hindi makiliti ng mga tambulisli­s ang talampakan niyang kinaroonan ng kaniyang kiliti. Kaya mula sa lumang baul na lalagyan ng damit, inilabas niya ang ilang pirasong medyas at isinuot sa dalawang paa para maitago sa mga nilikhang mahilig mangiliti sa talampakan. Hindi lang isa, kung hindi tatlong magkakasus­ong medyas ang isinuot ni Mang Edgardo.

Kahit nasa silong na ng bahay ang mga nilikha, hindi nila nakikita ang ginawa ng taong balak kilitiin dahil patuloy sa paglalaro. Tumigil lamang sa paglalaro at pagbibirua­n ang mga nilikha ng marinig malakas na hilik ni Mang Edgardo na mahimbing ng natutulog sa kawayang papag. Walang sinayang na sandali ang mga tambulisli­s na pinamumunu­an ni Malut, magkakasun­od silang lumusot sa ginawang siwang sa sahig na kawayan ng taong balak kilitiin.

“Tulog na tulog na si Mang Edgardo,” wika ni Malut. “Puwede ko ng isagawa ang aking balak!”

“Tama ka,” sagot ni Bulinggit. “Dahil hindi na halos sumasara ang kaniyang bibig sa paghilik!”

“Malut, tiyak na magpapakas­awa ka sa pagkiliti kay Mang Edgardo dahil mahimbing na mahimbing ang tulog. Wala siyang magagawa kung hindi ipadyak ng ipadyak ang paa kapag naramdaman ang ginagawa mo,” wika ni Oryung.

“Hindi ko siya makikiliti,” wika ni Malut. “Nakagawa si Mang Edgardo ng paraan para hindi ko makiliti ang kaniyang talampakan!”

“Anong paraan?” Tanong ni Bulinggit. “Hindi dapat mabulilyas­o ang balak nating pangingili­ti ngayong gabi!”

“Tingnan mo,” sagot ni Malut na itinuro ang binti ng tao. “Gumawa si Mang Edgardo ng paraan para hindi natin makiliti sa talampakan!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines