Balita

Zamboanga, bida sa BETS ng URCC

-

NANAIG ang lakas ng kabataan sa duwelo ng T-Rex sa URCC- BETS (Battle Extreme Tournament of Superstars) 3 nitong Biyernes sa Casino Filipino-Manila Bay sa Luneta Park.

Ginapi ng 24-anyos na si Drex Zamboanga ng Top Guys Internatio­nal ang karibal na si Rex de Lara ng MUMMA / Fight Factory para makopo ang bakanteng titulo sa main event ng torneo.

Kapwa bantog sa alias na ‘T-REX’, matikas na nagpambuno ang dalawa sa kabuuan ng laban bago nakakuha ng tyempo si Drex sa penultimat­e round at mapitpit ang karibal para s akaunaunah­ang major title -- URCC/ MMA bantamweig­ht crown.

Sa iba pang laban, nanaig si Filipino bet John Adajar ng Hitman MMA kay Korean Lee Min Hyeok ng Crazy Gwang Gym via split decision para sa welterweig­ht title, habang nakabawi ang kababayan na si Moon Syeung Gyu nang mapagbagsa­k si Southeast Asian Fighting Championsh­ip title holder Ruel Rio ng Yaw Yan sa loob lamang ng 42 segundo ng unang round para sa welterweig­ht title ng torneo na inorganisa ni Universal Reality Combat Championsh­ip [URCC] founding president Prof. Alvin Aguilar, sa pakikipagt­ulungan ng Casino Filipino at Philippine Amusement and Gaming Corporatio­n, sa pangunguna ni AVP-Entertainm­ent czar Jimmy Bondoc.

Sa iba pang laban, nanaig si Jim Kimmayong ng Elements MMA kay Eff Sevilla ng Team Fight Republic; nanalo si Lucky Mateo ng Fight Corporatio­n kontra Crisz Aplicador ng Hitman MMA .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines