Balita

Isinarang bank account ni Trillanes, mahuhuli pa rin

- Genalyn D. Kabiling

Isinara ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang bank account sa ibang bansa ngunit maaari pa ring mahuli ang mga deposito sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinunyag ng Pangulo na sinimulang ilipat ni Trillanes ang mga pondo sa mga account ng kanyang mga partner matapos pumutok ang mga alegasyon sa mga nakaw na yaman nitong unang bahagi ng buwan.

Gayunman, ang mga transaksiy­ong ito sa bangko ni Trillanes, ay lalabas pa rin sa mga record ng AMLC, anang Duterte.

“As of yesterday, I think you have -- has been moving funds to his partners’ accounts starting September 8,” anang Pangulo sa panayam ng PTV-4 television.

“Gi-close account mo ito that is why Singapore will not give him a certificat­e because he is not a client anymore. That is why AMLC must start producing certificat­es of existence of their counterpar­ts ASAP,” dugtong niya.

Sinabi ni Duterte na isang banyagang gobyerno ang nagbigay sa kanya ng impormasyo­n kaugnay sa mga bank deposit ni Trillanes bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa money laundering sa gitna ng mga banta ng illegal drugs at terorismo. Tumanggi siyang pangalanan ang foreign government ngunit sinabing galit ito kay Trillanes.

“Sabi ng foreign government, nagbigay nito -- September pa, pabalikbal­ik ka na sa Singapore banks. ‘Yung ibang bank account mo sa Hong Kong, giclose mo,” anang Pangulo kay Trillanes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines