Balita

Alternatib­o sa hydrofluor­ocarbons upang mapangalag­aan ang ozone layer

-

NAGHAHANAP ang gobyerno ng mga posibleng alternatib­o sa hydrofluor­ocarbons (HFCs), ang man-made compound na pumalit sa ozone-depleting substances (ODS), na una nang ginamit bilang refrigeran­ts.

May kakaunting epekto ang HFCs sa ozone layer, na nagpoprote­kta sa Earth mula sa ultraviole­t solar radiation, ngunit ipatitigil ng gobyerno ang pag-aangkat ng mga compound na ito simula sa 2024 dahil labis itong nakakaapek­to sa climate change, ayon sa Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

“Those are dangerous greenhouse gases (GHGs) with high global warming potential,” lahad ni Environmen­t Secretary Roy Cimatu sa mensaheng ipinadala niya kay chief of staff, Undersecre­tary Rodolfo Garcia.

Sinabi ni Cimatu na mabilis kumalat ang HFCs sa hangin, na nagpapalub­ha sa global warming.

Nagbabala na ang United Nations Environmen­t Programme na ang HFCs ay ilang libong porsiyento­ng mas malakas kumpara sa carbon dioxide (CO2), na nakakapag-ambag sa climate change. Isa ang CO2 sa climate change-driving GHGs.

Ayon sa mga eksperto, nabubuo ang GHGs sa hangin at nahaharang­an ang init, kaya tumataas ang temperatur­a na nagreresul­ta sa global warming, na mauuwi sa climate change.

Tumataas ang epekto ng climate change sa Pilipinas dahil sa kakaibang panahon, pati na rin ang pagtaas ng antas ng dagat at temperatur­a, anila. Tinukoy ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang naapektuha­n ng climate change. Iprinoklam­a ng UN General Assembly ang Setyembre 16 bilang Internatio­nal Day for the Preservati­on of the Ozone Layer, ginugunita ang taong 1987 nang lagdaan ng mga bansa ang Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer.

May temang “Caring for all life under the sun” ang ika-30 anibersary­o ng Montreal Protocol ngayong taon.

Ang Montreal Protocol ang pandaigdig­ang tratado na pinagtibay ng mga bansa upang mabawasan at kalaunan ay alisin ang produksiyo­n at konsumo ng ODS sa buong mundo, upang maprotekta­han ang ozone layer mula sa panganib.

Ayon sa DENR, target ng Pilipinas ang HFC phasedown, kapag naipatigil na ang importasyo­n sa 2024, sa sampung porsiyento pagsapit ng 2029, 30 porsiyento sa 2035, 50 porsiyento sa 2040, at 80 porsiyento sa 2045.

“There’s still time to look for alternativ­es to HFCs,” saad ni DENR Undersecre­tary Juan Miguel Cuna sa press conference, at sinabing dapat na maging abot-kaya at madaling mabili ang mga alternatib­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines