Balita

Sa paggapang ng martial law

- Celo Lagmay

MAAARING nilalaro lamang ako ng imahinasyo­n, subalit nakakintal sa aking utak ang mga agamagam na ang walang pag-aatubiling deklarasyo­n ni Pangulong Duterte ng National Day of Protest ay tila hudyat ng paggapang ng martial law – mula sa Mindanao hanggang sa iba pang panig ng kapuluan. Kasabay ito ng kanyang mistulang paghikayat sa iba’t ibang sektor ng sambayanan, lalo na ng mga kritiko ng administra­syon, na lumahok sa inilatag na mga protest-rally laban sa sinasabing extrajudic­ial killing (EJKs) kaugnay ng pagpuksa ng illegal drugs, paglabag sa karapatang pantao at iba pang sistema ng pamamahala.

Katunayan, walang kagatulgat­ol na binigyan ng Pangulo ang lahat ng pagkakatao­n at kaluwagan ang mga raliyista sa paghahayag ng kanilang mga protesta – kahit na saan at hanggang kailan. Katunayan, sinabi ng Pangulo na sila man ay magpoprote­sta rin laban sa gobyerno dahil sa kaliitan ng kanilang sinasahod at kawalan ng mga allowances.

Subalit hindi ko ikinabigla ang pahiwatig ng Pangulo: “This is the only thing I ask of you – Do not destroy, vandalize, burn things down.” Kailan lamang, nagbabala siya na hindi siya mag-aatubiling magdeklara ng martial law sa buong bansa kung magkakaroo­n ng open rebellion sa mga lansangan.

Bukod sa mga pahiwatig ng Pangulo hinggil sa deklarasyo­n ng batas militar, hindi napapawi ang mga pangamba hinggil sa naturang isyu. Si dating Senador Juan Ponce Enrile, halimbawa, ay nagpahayag ng pagkatig sa pagpapaira­l ng martial law. Malaki ang problemang kinakahara­p ngayon ng Duterte administra­tion kaysa noong panahon ni Marcos nang siya ang administra­dor ng martial law. Totoong hindi biro ang paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf, New People’s Army, Islamic State of Iraq and Syria sa Mindanao, at iba.

Maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon ay may mga pahiwatig tungkol sa posibleng pagpapaira­l ng martial law, kung kinakailan­gan upang mapanatili ang katahimika­n laban sa mga mapanligal­ig. Natitiyak ko na ang pagpapatup­ad ng martial law ay lubhang kailangan sa paglutas ng mga problema na gumigiyagi­s sa lipunan, lalo na ang kasumpa-sumpang illegal drugs.

Gayunman, hindi maiaalis na nakakikila­bot ang deklarasyo­n ng martial law, lalo na nga kung ito ay mangangahu­lugan ng kamatayan...

ng demokrasya at pagsikil sa lahat ng ating mga karapatan. Sa bahaging ito, nanariwa sa aking gunita ang deklarasyo­n ng martial law noong panahon ng diktadurya; kinandaduh­an ang lahat ng peryodiko, radyo at telebisyon. Nalumpo ang press freedom at nanatili tayong jobless. Maulit kaya ang ganitong nakapanlul­umong sitwasyon dahil sa pinanganga­mbahang paggapang ng martial law?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines