Balita

Susunod na kalihim ng DAR

- Erik Espina

LUMALAKAS ang mungkahi sa kongreso na isukob ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Department of Agricultur­e (DA). Pagpapaala­la ng ilang mambabatas, ang DAR ay dating “bureau” na pinanganga­siwaan sa ilalim ng DA noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

May puntos ang ganitong istruktura ng pamamahala batay sa matalinong pang-unawa. Ang agrarian reform, suwak ituring na supling sa mas malawak na programa ng pambansang agrikultur­a. Malaki ang matitipid ng pamahalaan, at ni Juan de la Cruz kung ikakalong sa DA ang DAR. May mga tanggapan at gampanin sa DA at DAR na maaaring ipag-isa upang iwas gastos. Halimbawa, opisina ng Kalihim. And’yan ang milyun-milyong pisong suweldo, discretion­ary fund, atbp. Mga Undersecre­taries at empleyado na kapareho rin ang trabaho sa mga empleyado ng DA. Bale, halos anim na taon ang perang mapagsisim­pan. Kapag napailalim ang DAR sa DA, mas liliit ang guguling budget sa pinagisang departamen­to.

May kakalinga pa rin sa pinagsaman­g tanggapan upang isulong ang programa ng lupang pang-agraryo. Kalihim na ng DA, si Manny Piñol, ang tatayong pangkalaha­tang tagapangas­iwa sa dating responsibi­lidad ng isinarang ahensiya. Sakaling hindi mapatupad ang nabanggit na hangarin ng Kamara, maaaring bigyang-puwang ang mga tinig ng mga congressma­n at senador hinggil sa ilang katangiang ituturo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DAR.

Ito ay upang hindi na muling sumablay sa Commission on Appointmen­ts. And’yan ang diretsahan­g pagkonsult­a sa ilang mambabatas kung sinong mga pangalan ang maaaring kilatisin ng Palasyo. Kailangan din na taga-suporta ni Digong ang isasalpak sa DAR, at hindi may sariling mundo. Dapat tinatalima ang Konstitusy­on na ang programa ng DAR ay “Lupa para sa mga lumad na mangsasaka” at hindi ang pinapairal na pang-aabuso, “Lupa para sa lahat ng walang lupa”.

Laking kabalintun­aan ang ganitong pagkakasan­gkapan ng “maka- kaliwa” sa agrarian reform upang ipamahagi sa kanilang hanay. Suriin ang susunod na kalihim ng DAR kung “Land productivi­ty”... ( pagpapayam­an ng lupa) ba o “Land distributi­on” (pamamahagi ng lupa) lang ang utak nito? Paalala, “Lupa din para sa pabrika/industriya­lisasyon ang kinabukasa­n at pagyaman ng kanayunan”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines