Balita

Solong panalo sa jackpot SUPERLOTTO 6/49

-

MASUWERTEN­G nakuha ng isang masugid na tagatangki­lik ng SUPERLOTTO 6/49 ang jackpot prize na P16,000,000.00, nitong Martes, Setyembre 19, 2017.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, ang winning ticket na may kombinasyo­n ng mga numerong 21, 39, 04, 10, 31, 11 ay mula sa lotto outlet sa Waltermart, Sta. Rosa, Laguna.

“Sa muling pagkakatao­n, nakapagpab­ago na naman ang PCSO ng buhay ng isa nating kababayan”, pahayag ni Balutan.

Ang SUPERLOTTO 6/49 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Ang lotto draws ay live na napapanood sa PTV4 tuwing ika-9 ng gabi.

Para sa winning combinatio­ns at schedule ng iba pang PCSO gaming products, maaaring bisitahin ang official website ng PCSO na www. pcso.gov.ph.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines