Balita

Marka sa UAAP women’s basketball nahila ng NU sa 51

- Marivic Awitan

INANGKIN ng defending champion National University ang solong pamumuno at hinatak ang hawak na winning record hanggang 51laro matapos ang 95- 65 panalo kontra University of Santo Tomas kahapon sa pagpapatul­oy ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Rumatsada ang Lady Bulldogs sa second half at na- outscore ang Tigresses, 54-27,para makamit ang panalo, ikatlong sunod ngayong season.

Umiskor si Trixie Antiquera ng 27 puntos, kasunod si Jack Daniel Anmam na may 23 puntos at 18 rebounds at si Ria Nabalan na may 17 puntos, 11 rebounds at siyam na assists para sa NU.

Bunga ng kabiguan, bumaba ang Tigresses sa four- way tie sa second spot kasama ng Far Eastern University, University of the East at Ateneo taglay ang markang 2-1.

Sa isa pang laro, nakapasok na rin sa winning column ang Adamson University, sa pangunguna ni Nathalia Prado na nagsalansa­n ng 26 puntos nang dagitin ang De La Salle, 88-84.

Ang kabiguan ang ikatlong sunod ng Lady Archers sa loob din ng kasindamin­g laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines