Balita

Bedan vs Benilde sa NCAA netfest

- Marivic Awitan

TARGET ng reigning champion San Beda College ang ikalimang sunod na titulo sa pakikipagt­uos sa College of St Benilde sa kampeonato ng women’s division ng NCAA Season 93 table tennis tournament na ginaganap sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Nanguna sa eliminatio­ns matapos walisin ang siyam nilang laban, ginapi ng Lady Red Paddlers na binubuo nina singles specialist Abbie Nuevo na nanatiling unbeaten matapos ang 10 laban, doubles duo Kryslyn Meñez at Francess Vllanueva at second singles player Angel Sanchez ang 4th seed Lyceum of the Philippine­s, 3-0 sa semifinals para sa ika-sampung sunod nilang panalo at makapasok sa kampeonato.

Naitakda naman ang pagtatapat nila ng dating 8-time champion Lady Blazers sa finals matapos nitong manaig sa third seed Letran 3-0.

Sa men’s division, magkakasub­ukan sa kampeonato ang reigning titlist CSB Blazers at Letran makaraang magwagi sa kani-kanilang mga nakatungga­li sa nakaraang semifinal round.

Tinalo ng 4-peat seeking Blazers ang Lyceum Pirates, 3-0 habang iginupo naman ng Knights ang SBC Red Lions, 3-1.

Sa juniors division, nanggulat naman ang 4th seed Arellano Braves nang patalsikin ang topseed San Sebastian College, 3-2 para maitakda ang pagtatapat nila ng defending champion San Beda na nanaig naman kontra Letran, 3- 0 , sa kampeonato.

 ?? RIO DELUVIO ?? KARAMBOLA sa ere ang tatlong miyembro ng Emilio Aguinaldo College nang magkaagawa­n sa rebound sa isang tagpo ng kanilang laro kontra Lyceum kamakailan sa NCAA seniors basketball tournament sa Fil-Oil Center.
RIO DELUVIO KARAMBOLA sa ere ang tatlong miyembro ng Emilio Aguinaldo College nang magkaagawa­n sa rebound sa isang tagpo ng kanilang laro kontra Lyceum kamakailan sa NCAA seniors basketball tournament sa Fil-Oil Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines