Balita

Simula ng pagbawi ng Ateneo shuttle netters

- Marivic Awitan

MAGBUBUKAS ngayong araw ang UAAP Season 80 badminton tournament tampok ang tig-tatlong mga laban sa men’s at women’s divisions sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Magsasagup­a ang last season’s men’s runner- up Ateneo at Adamson University ganap na 8:00 ng umaga habang makakatung­gali ng women’s team ang second placer University of the East ganap na 1:00 ng hapon.

Sa iba pang mga laro,magtutuos din ang Red Warriors at Fighting Maroons, at ang University of Santo Tomas at De La Salle ganap ding 8:00 ng umaga.

Sa women’s division, magtutungg­ali din ganap na 1:00 ng hapon ang Lady Falcons at Lady Archers, at ang Tigresses at Lady Bulldogs.

Naka draw naman ng bye sa opening day ang defending men’s champion NU at women’s titlist UP.

Magsisimul­a ang title defense ng Bulldogs sa darating na Sabado kontra Fighting Maroons habang uumpisahan din ng Lady Maroons ang kanilang 4- peat campaign kontra La Salle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines