Balita

Uber driver kay Atio: Pawisan siya… balisa

- Jaimie Rose Aberia

Mukhang problemado. Ganito inilarawan ng Uber driver ang sinasabing hazing victim na si Horacio" Atio" Castillo III na kanyang ibinook noong Sabado ng hapon.

Personal na nagtungo sa Manila Police District ( MPD) Headquarte­rs ang driver, na tumangging magpabangg­it ng pangalan, upang magbigay ng kanyang sinumpaang salaysay nitong Martes ng gabi.

"Siguro kaya ganoon reaksiyon ng mukha niya-- pawisan, balisa, may iniisip na malalim-- kasi may pupuntahan siyang hindi maganda," ayon sa driver.

Sinabi niya na sigurado siyang si Castillo ang nag-book sa kanya noong hapon ng Setyembre 16 dahil iyon ang unang pagkakatao­n na may pasaherong nag-request sa kanyang magpahatid ng mga gamit.

"Tanda ko talaga kasi isang beses lang nangyari sa akin na bag lang ang ihahatid kaya natatandaa­n ko talaga 'yung tao na 'yun," lahad ng driver.

Sinabi niya na nakipagkit­a siya kay Castillo, na sobrang pawisan na inakala niyang dahil sa tindi ng init, malapit sa Dapitan gate ng University of Santo Tomas (UST), bandang 1:40 ng hapon.

"Tinanong niya ko kung p’wedeng bag lang niya ihatid. Sabi ko sa kanya basta titingnan ko ‘yung laman nung bag. Nung nacheck ko ' yung bag na ang laman notebook, yellow pad- gamit sa school, pumayag na ko," balik- tanaw ng Uber driver.

Sinabi niyang may mga katanungan siya, ngunit nagdesisyo­n na hindi na lamang magtanong.

"Nagtataka ako syempre, napaisip na lang ako kasi wala akong karapatang magtanong. Hindi na ko nagtanong. Iniisip ko kasi baka magalit yung pasahero, baka may sikreto siyang lakad," aniya. "Basta siniguro ko lang na ' yung bag walang lamang illegal."

Mula UST, bumiyahe ang driver patungong bahay ni Castillo sa Makati at tinawagan niya ito hanggang sa sagutin sa ikaapat niyang tawag.

"Sabi niya mag-doorbell ako, alam na raw ng katulong. Eh ‘di nag-doorbell ako, inabot ko 'yung bag," kuwento ng driver.

Muli niyang tinawagan si Castillo upang sabihin na naiuwi na niya ang bag at pinasalama­tan siya nito.

Sinabi ng Uber driver na ikinalungk­ot niya ang nangyari kay Castillo at handa siyang makipag- usap sa pamilya ng biktima kung may mga katanungan ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines