Balita

Ex-Ecija VM may 2 habambuhay sa rape

- Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawang hatol na habambuhay na pagkabilan­ggo, o hanggang 40 taon, ang iginawad sa dating bise alkalde ng Nueva Ecija dahil sa dalawang kaso ng rape sa menor de edad sa bayan ng Pantabanga­n.

Batay sa 23-pahinang desisyon ni Judge Leo Cecilio Bautista, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 38 sa San Jose City, sinentensi­yahan si dating Pantabanga­n Vice Mayor Romeo Borja Jr. sa panggagaha­sa sa noon ay 17-anyos na babae, simula Oktubre 2009 hanggang Abril 2010.

Iniutos din ng korte na magbayad si Borja Jr. ng P200,000 danyos, at ipinalilip­at na rin ng piitan sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines