Balita

Billy Bush at asawang si Sydney, naghiwalay

-

HINDI na celebrity newsman si Billy Bush, pero patuloy siyang nagiging laman ng headlines. Ang latest ay ang paghihiwal­ay nila ng kanyang asawang si Sydney Davis, pagkaraan ng 20 taon pagsasama bilang mag-asawa. Unang iniulat ng Page Six ang balita, na kinumpirma naman ng abogado ni Bush na si Marshall Grossman, at sinabing, “I can confirm they are now separated, and on a short-term break.” Hindi nagdetalye ang abogado kung kailan matatapos ang “short-term break”.

Ayon sa gossip site ng New York Post, tumanggi si Grossman na pag-usapan ang mga dahilan ng paghihiwal­ay ng dalawa. Ngunit sinabi niya na hindi ito dahil sa pagtataksi­l.

Naghiwalay sila pagkaraan ng halos isang taon simula nang lumabas ang isang tape ni Bush noong 2005 na nakikipag-usap kay Donald Trump, bago ito isinapubli­ko ng The Apprentice­star, noong Oktubre 7, 2016. Napanood na ibinigay na halimbawa ni Bush kay Trump habang binabanggi­t niya ang co-star ni Bush sa Access Hollywood na si Nancy O’Dell pati na rin ang soap opera star na si Arianne Zucker, na naging sanhi upang matanggal sa Today show.

Kalaunan ay nagsalita rin si Bush, na miyembro ng sikat na political family, tungkol sa kanyang anak, na si Mary, na umiyak nang unang marinig ang usapang namagitan sa kanyang ama at kay Trump, na kalaunan ay tinawag ng huli bilang “locker room banter.” Gayunman, sa panayam ng The Hollywood Reporter noong Mayo, nang una siyang magsalita ukol sa scandal, sinabi niyang nakasuport­a sa kanya ang kanyang asawa sa pagharap sa pagsubok.

“My wife, Sydney, knows the environmen­t and the atmosphere I was in at the time, and she knows very well the person she married,” aniya. “She has been very supportive from the very beginning.” Nagpakasal sina Bush at Davis noong Abril 1998 at may tatlong anak na babae.

 ??  ?? Billy at Sydney
Billy at Sydney

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines