Balita

Accuser ni Kevin Hart, nagpakilal­a na

-

OPISYAL nang nagpakilal­a ang babaeng sentro sa sex- extortion scandal ni Kevin Hart, at handa nang magsalita. Nitong Martes, nag-tweet ang high-powered lawyer na si Lisa Bloom, na siya ang kinatawan ng “the woman at the center of the Kevin Hart scandal,” na tinukoy niyang si Montia Sabbag. Si Sabbag, na kinilala ni Bloom bilang “actress and model,” ay nagsalita na tungkol sa scandal sa press conference nitong Miyerkules ng umaga, tweet ng abogado.

Ayon kay Bloom, “(Sabbag) was briefly involved with Kevin Hart a month ago. Since that time, she has been the subject of false, vicious attacks on her character.”

Sa press conference, inihayag ni Bloom na siya at si Sabbag “will speak out … about the true facts of this situation, and will announce their next legal move.”

“I represent the woman at the center of the Kevin Hart scandal. Press conference tomorrow,” tweet ni Lisa Bloom nitong Martes. Lumabas ang tweet nang ihayag ni Hart ang alegasyong extortion attempt laban sa kanya, sa isang emosyonal na apology video para sa kanyang buntis na asawa, na si Eniko Parrish, at kanyang mga anak. Sa video, na nai-post sa Instagram, sinabi ni Hart na mayroong taong nagtatamo ng “financial gain” sa kanyang pagkakamal­i.

Lumabas ng mga report nitong nakaraang linggo, na nag-iimbestiga ang ilang federal official sa umano’y blackmail attempt, kabilang ang “sexually provocativ­e” video ni Hart.

“I made a bad error in judgement and I put myself in a bad environmen­t where only bad things can happen and they did,” pag-amin ni Hart sa kanyang apology video.

Kamakailan ay inireport ng TMZ, na naniniwala ang mga FBI agent na kilala na nila ang taong umano’y humihingi ng pera, upang hindi ilabas ang video, na naglalaman ng umano’y pagiging malapit ni Hart kay Sabbag at ang pagsasama nila sa kuwarto.

Iniulat rin na si Sabbag ay 27 taong gulang, naniniraha­n sa Long Beach, CA, at nagtatraba­ho bilang stripper.

Saad naman ng sources sa PEOPLE, sinusuport­ahan ni Parrish ang kanyang asawa sa kabila ng mga alegasyon at “there is absolutely no divorce talk.”

“She obviously knows about the cheating allegation­s. To her, Kevin is a great husband,” anang source. “Eniko is aware that Kevin has been accused of being a ladies’ man. She doesn’t care. He is her husband and he always comes home to her.”

Namataan ang mag- asawa na magkasaman­g lumabas para kumain ng tanghalian sa Woodland Hills neighborho­od ng Los Angeles nitong Martes, unang pagkakatao­ng namataang magkasama ang dalawa mula nang lumabas ang apology video ni Hart.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines