Balita

Fatima at Enderun, humirit sa NAASCU

-

PINALAKAS pa ng Our Lady of Fatima University at Enderun Colleges ang kani- kanilang kampanya sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa RTU

gym nitong Lunes.

Binigo ng OLFU ang Manuel Luis Quezon University, 8061, habang dinaig ng Enderun ang Holy Angel University, 89-81, para sa kanilang ikaapat na panalo sa anim na laro sa Group B.

Nagpasikla­b si Jessiery Pedrosa para sa OLFU sa kanyang 20 puntos at walong rebounds.

Nag-ambag naman si Chris Essomba ng double-double na 10 puntos at 12 rebound.

Para sa MLQU, namuno si Gianne Paolo Rivera sa kanyang 19 puntos at anim na rebounds.

Samantala, si Serge Colince Wabo Kaptue ay gumawa ng 21 puntos, 13 rebounds at tatlong blocks habang si Kyle Dungan ay may 18 puntos at limang rebounds para sa Enderun

Si Karl Christian Sampang ay may 20 puntos at nag-ambag si Ezekiel Pacoma ng 14 puntos at 16 rebounds naman para sa HAU.

Iskor: (Unang laro) OLFU (80) -- Pedrosa 20, Essomba 10, Cabrera 10, Sarona 10, Datu 6, Diosa 5, Bargola 4, Geraldo 3, Albano 2, Gozum 2, Diao 2, Lumbera 2, Jimenez 2, Fabros 2

MLQU ( 71) -- Rivera 19, Grimaldo 16, Asturiano 12, Tiquia 9, Lao 8, Jamila 4, Estrella 3, Dela Cruz 0 Quartersco­res: 26-14, 4222, 57-46, 80-71 (Ikalawang lato)

Enderun ( 89) -- Wabo Kaptue 21, Dungan 18, Villar 11, Cadavos 7, Dela Cruz 7, Maagdenber­g 3, Nuñez 3, Sacundo 2, Tancioco 2, Grilli 0

HAU ( 81) -- Sampang 20, Tungcul 19, Pacoma 14, Candelaria 9, Luna N. 7, Luna F. 6, Mamucud 4, Patawaran 1, Buan 1 Quartersco­res: 26-20, 4344, 61-54, 89-81

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines