Balita

Atom at Howie, sanib-puwersa na

- Ni NOEL D. FERRER

GINUGUNITA ang 45th anniversar­y ng martial law ngayon, at magandang panahon ito upang gisingin muli ang kamalayan nating mga Pilipino tungo sa mas maayos, maunlad, marespeto, mapayapa at makataong lipunan na nararapat sa atin.

Isa ulit itong pagsisimul­a. Sa katunayan, para sa akin, isang pagbabalik sa dating tahanan.

At habang nagpapaala­m (at bumabati ng happy birthday) sa isa pang editor na nagtiwala at nagbigay-daan sa akin sa panulat na si Jerry Olea, nagpapasal­amat din ako sa isang kaibigan, kapatid at kapanalig na si Kuya Boss Dindo Balares na nagbukas muli ng pintuan ng BALITA para sa isang nagbabalik na alibughang anak.

Makakaasa kayo ng maiinit at makabuluha­ng mga balita na puwedeng lunsaran ng masaya at kapaki-pakinabang na huntahan, alaskahan at pagpapayam­an ng isip at pandama.

Muli akong makikisaba­y sa aking mga katoto rito sa pangunguna sa balita, pagpuri, pagpuna at pagtatanon­g.

FIRST SHOT Picture pa lang dito, scoop na! Makikita natin ang napaka

promising na pagsasanib-puwersa. Si Howie Severino, isang premyadong dokumentar­ista at head ng GMA News Online at ang namaalam na Kapamilya na si Atom Araullo, isang mahusay na batang mamamahaya­g na marami pang puwedeng gawin at matutuhan, kapag nagsama sa isang proyekto, tiyak na pagbubunyi sa kahusayan at kabutihan.

Nakakabit na sa kanilang pangalan ang kalidad at integridad kaya exciting ang mga posibilida­d sa kanilang pagsasama sa lalong madaling panahon.

Hintay lang tayo sa announceme­nts ukol sa mga gagawin pa ni Atom.

Katatapos lang maipalabas kagabi ang kanyang special episode ng The Crawl sa Hong Kong under Lifestyle Network.

Katulad ng pag-ampon sa akin ng bago kong tahanan sa panulat, sino naman kaya ang aampon kay Atom?

Marami, actually. Pero mauuna nang ipahayag ang kanyang free TV engagement mamaya. Abangan! BEA, KAKABA-KABA KAY GERALD?

Parang first time ulit? Maganda ang samahan nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion sa A Love To Last kahit na sa kuwento ay masalimuot ang kanilang pinagdadaa­nan bilang sina Anton, Andeng at Grace.

Nakakatawa ang iba’t ibang estado ng kani-kaniyang puso dahil nang tanungin sila kung paano nila made-describe ang lovelife nila ngayon, ang sagot ni Iza: Peaceful, Encompassi­ng and Trusting. Ang kay Ian naman ay Loving and Trusting.

Naiiba ang sagot ni Bea: “Kakaba-kaba Ka Ba?” Bakit kaya? Hindi na bagets sina Bea at Gerald para hindi bigyan ng definite na turing sa kanilang pag-iibigan. Parang Angel Locsin at Neil Arce lang ang ‘yan.They are all of-age consenting adults na hindi di na bagay magpabebe.

It will be e more liberating g and empowering if Bea and Gerald affirm firm their relationsh­ip withith pride and joy to be shared d by everyone.

Sana sa susunod, unod, hindi na kakaba-kaba si Bea. KAREN, WALANG

TAKOTOT First Ladyady of Kapamilya News. Pasintabi langang sa kaibigan naming ming si Korina Sanchezhez na hindi na bumalik alik sa hard news at nag-focus na sa news magazine show niya na Rated K, pero bilib ako sa effort at paghahanda a ni Karen Davila sa kanyang programang Headstarta­rt sa ANC.

Siya ang nakaka-scoop at nakakapagp­apuntaakak­apagpapunt­a ng newsmakers na guest sa studio, dio, at bago pa man sumambulat ang anumang isyu at nahimay na niya ito sa kanyang programa.

Nagawa na niya ‘yan kay COMELEC Chairman Andy Bautista at sa dating asawa nito, Customs Commission­er Nicanor Faeldon at Senator Ping Lacson. Maging ang mga kontrobers­iyal na sina Senator Richard Gordon o si Senator Sonny Trillanes illanes ay sa kanya rin unang pumupunta para lamang g mausisa at magisa sa no-holds-barred questions ni Karen.aren.

Kahapon, guest niya ang abogadobog­ado ng alleged PDAF Scam Queen Janet Lim Napoles na si Atty. Stephen David ukol sa isyung posibleng mag-bail il na si Napoles pagkatapos ma-release sa Crame si Senator Jinggoy Estrada.

Isiniwalat ng abogado na mas nainam sa kanilang maging state witness si Napoles s at magtuturo ng marami pang pangalang nakinabang sa Pork Barrel Scam including many other er names of politician­s and media personalit­ies. rsonalitie­s.

Matapang pang din na naitanong ni Karen ang koneksiyon ni Atty. David kayay Presidente Digong na suportado tado nila ng isa pang lawyer ni i Napoles na si Bruce Rivera. Pawang may papel na sa gobyerno ang asawa nito na si Atty. Lanee Cui-David; at sina Bruce at Stephen ay nakikita sa mga events ng Malacañang. Galing sila sa San Beda group ng Presidente kaya pamilyar na sila sa bawat isa.

Walang pagdududa at takot na sinabi ni Atty. David sa programa ni Karen na confident siyang mapapalaya na rin ang kanyang kliyente sa lalong madaling panahon.

Hindi na tayo magugulat kung nagkataon. Bravo Karen!

SEPTEMBER 21

Sa isang lipunan ng malayang mamamayan, hindi dapat naghahari ang takot at dahas -- mula sa militar o sa may kapangyari­han.

Sana ay mas maging mapagmatya­g at mapanuri pa tayo sa mga aral ng kasaysayan.

Batas ng tao, batas ng Diyos ang dapat maghari, hindi ang batas militar.

Salamat sa malaya, makabuluha­n, at maligayang Balitaan!

( For your comments, opinions and contributi­ons, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelfer­rer.)

 ??  ?? Iza, Ian at Bea
Iza, Ian at Bea
 ??  ?? Howie at Atom
Howie at Atom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines