Balita

Pabaya at tamad na pulis, pinuna ng Pangulo

- Genalyn D. Kabiling

Kailangang taasan ng Philippine National Police (PNP) ang disiplina sa hanay nito, matapos maraming pulis ang naging pabaya at tamad sa kanilang trabaho, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules.

Inamin ng Pangulo na ang puwersa ng pulisya na dating alerto at palaban sa mga taon matapos ng martial law ay nagiging malamya na ngayon.

Pinaalalah­anan ni Duterte ang mga pulis na umayos at manatiling alerto dahil nananatili ang banta ng mga komunistan­g rebelde at iba pang masasamang loob.

“There is much to be desired, I’m very sorry to say that,” sabi ng Pangulo sa oath-taking ng bagong PNP Academy Alumni Associatio­n Inc. board of trustees sa Malacañang nitong Miyerkules.

“Yung disiplina ninyo taasan ninyo nang kaunti. And most of the police are quite lazy, almost indolent sa probinsya. Kaya naman, paturatoyt­uratoy kung mag-uwi. They have forgotten that the New People’s Army have renewed their fight against government,” aniya.

Ayon sa Pangulo karamihan sa mga namatay na pulis ay hindi sumusunod sa mga protocol.

“Ang awareness kasi ng pulis ngayon sa atin is not that good and it cannot remain so,” aniya.

Sa kabila ng mga puna niya sa pulisya, nangako ang Pangulo na palalakasi­n ang kakayahan ng mga pulis at militar, partikular sa intelligen­ce gathering.

“I cannot say yet on -- in public right now, I have a new plan at it has something to do with the improvemen­t of the intelligen­ce community,” aniya.

“But I said, you will have the best of the police and the military during my time. May priority kayo,” diin niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines