Balita

Mocha kinasuhan ni Trillanes sa ‘fake news’

-

Nagsampa si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV kahapon ng reklamo laban kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakalat ng “fake news” tungkol sa alegasyon sa kanyang off-shore bank accounts.

Nagsampa siya ng kasong administra­tibo na Grave Misconduct at anim na criminal charges laban kay Uson.

Ang tatlo sa criminal charges ay cybercrime offense of libel, isa sa paglabag ng R.A. 6713 (Code of Ethics and Ethical Standards for Public Officials and Employees), isa pa para sa falsificat­ion of documents o paglabag sa Article 172 na may kaugnayan sa 171 ng Revised Penal Code, at graft.

Ilinabas ni Uson noong Setyembre 8, 2017 ang “derogatory article/ Facebook post” na may link sa post ng Davao Breaking News - 2. Ang post ay iniulat na naglalaman ng “alleged tagong yaman ni Trillanes.”

Sa panayam ng mga reporter, sinabi ni Trillanes na “the era of fake news is over,” dahil irereklamo na ng mga opisyal, tulad niya, ang mga nagpo-post ng bogus at mapanirang artikulo.

“As a responsibl­e senior government official, mas mataas ang standards natin, ‘di ba? Dapat bine-verify ‘yung truthfulne­ss bago tayo mag-share. So let this be a lesson not only for Ms. Mocha Uson, but ‘yung sa mga ordinaryon­g mga kababayan natin na may penchant na mag-share ng pekeng news,” sabi nis Trillanes.

Umaasa ang senador na agarang masisibak sa puwesto si Uson.

Sinabi rin ni Trillanes na bukod kay Uson, kakasuhan din niya ng libel ang journalist na si Erwin Tulfo at ang Davao-based journalist na si Ben Tesiorna sa pagpapakal­at ng fake news tungkol sa umano’y offshore bank accounts niya.

Nagpahayag naman ang Malacañang na malaya si Trillanes na magsampa ng kaso laban kay Uson.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella habang isinasagaw­a ang Mindanao Hour/ Bangon Marawi press briefing kahapon, na kung nais ni Trillanes na ituloy ang pagsasampa ng kaso kay Uson, ay may kalayaan ang senaddor na gawin ito.

Gayunpaman, sa isang ambush interview ng Palace reporters, iginiit ni Abella na hindi nagpapakal­at ng fake news ang Palasyo.

Kasunod ito ng pagsita ni Senator Nancy Binay kay Uson sa budget hearing ng PCOO ngayong linggo dahil sa pagpapakal­at umano ng fake news, na kabaligtar­an ng adbokasiya ng PCOO sa paghahatid ng wastong impormasyo­n.

 ?? MARK BALMORES ?? LIBEL VS MOCHA Naghain kahapon ng reklamong libel at graft si Sen. Antonio Trillanes IV (kaliwa) sa Office of the Ombudsman laban kay Presidenti­al Communicat­ions Assistant Secretary Mocha Uson, kaugnay ng umano’y pekeng impormasyo­n nito na may mga...
MARK BALMORES LIBEL VS MOCHA Naghain kahapon ng reklamong libel at graft si Sen. Antonio Trillanes IV (kaliwa) sa Office of the Ombudsman laban kay Presidenti­al Communicat­ions Assistant Secretary Mocha Uson, kaugnay ng umano’y pekeng impormasyo­n nito na may mga...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines