Balita

Kaisa sa pandaigdig­ang pagkilos upang linisin ang mga baybayin

-

PINANGUNAH­AN ng mga lokal na opisyal at mga residente ng Laoag City ang pangongole­kta ng mga basurang plastik, bote, at iba pang hindi nabubulok na nagkalat sa dalampasig­an ng Barangay Masintoc sa siyudad sa Ilocos Norte, nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Laoag City Mayor Jessie Galano na isa nang tradisyon ng mga taga-barangay, partikular sa mga nasa baybayin, ang paglilinis ng kapaligira­n, partikular tuwing Setyembre 16 ng bawat taon, bilang suporta sa 32nd Internatio­nal Coastal Cleanup.

Inihayag na sa kabila ng istriktong implentasy­on ng ordinansa ng munisipali­dad hinggil sa solid waste management, iniiwan pa rin ng ilang dumarayo sa dagat ang kanilang mga basura sa dalampasig­an.

Sa pakikipagt­ulungan sa mga tauhan ng Department of Environmen­t and Natural Resources at ng Philippine National Police, nagkaisa ang lahat sa pagsasakat­uparan sa programa upang linisin ang dagat at mga baybayin.

Natukoy sa isang pag-aaral sa ibang bansa na nadiskubre ang plastik sa loob ng katawan ng 62 porsiyento ng mga namatay na sea birds at sa 100 porsiyento­ng pagkamatay ng mga pagong. Ito rin ang kaso sa dalampasig­an ng bayan ng Paoay.

Sa panahon ng bagyo, ang mga basurang plastik ng mga kalapit na bayan ay inaanod o tinatangay sa mabababang lugar sa Paoay.

Karaniwan sa mga natatagpua­ng basura ang mga platong gawa sa styrofor, plastic na baso, bote at sanitary napkin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines