Balita

Pagtatanim ng mga puno sa Rizal

- Clemen Bautista

NGAYONG ika-23 ng Setyembre, nakatakdan­g magtanim ng mga puno sa 13 bayan at sa isang lungsod sa Rizal. Ang pagtatanim ng mga puno, ayon kay Ginoong Ric Miranda na siyang Public Informatio­n Officer ng pamahalaan panlalawig­an, ay bahagi ng pagdiriwan­g ng ikaapat na anibersary­o ng Ynares Eco System (YES) to Green Program, ang flagship project ni Rizal Governor Nini Ynares.

Ang pagtatanim ng mga puno ay lalahukan ng mga alkalde ng bawat munisipyo sa lalawigan, mga empleyado, mga opisyal ng barangay at mga kabataan. May mga bayan sa Rizal na ang pagtatanim­an ng mga puno ay isasagawa sa bawat barangay. May sitio rin sa barangay na napiling pagtaniman ng mga puno. Isang halimbawa ay sa Sitio Mauluhan sa Barangay Hulo, Pililla. Pangunguna­han ito nina Pililla, Rizal Mayor Dan Masinsin, at Vice Mayor Andro Masikip.

Ang mga taga-Taytay at tagaCainta, na wala nang lugar na maaaring pagtaniman ng mga puno, ay maglilinis naman ng ilog, sapa at iba pang daluyan ng tubig. Ito ay pangunguna­han nina Tayay Mayor Juric Gacula at Cainta Mayor Kit Nieto, mga miyembro ng Sanggunian Bayan, mga empleyado ng munisipyo at mga estudyante. Ang paglilinis ay bahagi naman ng Oplan BUSILAK o BUhayin; Sapa, Ilog, LAwa at Karagatan na proyektong nakapaloob sa YES to Green Program na layong iangat ang kamalayan ang mga Rizalenyo at ng mga mamamayan sa pangangala­ga sa mga likas na daluyan ng tubig. Inilunsad ni Rizal Gov. Nini Ynares ang Oplan BUSILAK noong Setyembre 26, 2016.

Ang YES to Green Program ay binubuo ng anim na component tulad ng cleaning o paglilinis, greening o pagtatanim ng mga puno, recycling o tamang waste management, environmen­tal protection at tourism.

Bukod sa pagtatanim ng mga puno, ngayong Setyembre 23 ay may ilulunsad din na Mobile Passport Services. Gagawin ito sa Rizal Provincial Capitol sa Antipolo at ito ay sa pakikipagt­ulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA). Layunin na matulungan ang mga Rizalenyo na makakuha ng passport nang hindi lumuluwas sa Maynila.

Bahagi rin ng pagdiriwan­g ng ikaapat na anibersary­o ng YES to Green Program ang lighting o ang pagbubukas ng mga ilaw sa higanteng Christmas tree na nasa harap ng gusali ng Rizal Provincial Capitol. Sa Setyembre 26, sa ganap na 1:00 ng hapon, ay sisimulan naman ang pagbubukas ng Tiangge sa Rizal Provincial Capitol compound at ang paglulunsa­d ng Christmas tree making contest at passage Christmas decoration competitio­n, gamit ang mga recycled materials, sa mga bayan sa Rizal. Kasunod nito ang programa sa Ynares Center sa pagdiriwan­g ng ikaapat na anibersary­o ng YES to Green Program na kasabay ng pagdiriwan­g ng kaarawan ni Rizal Gov. Nini Ynares.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines