Balita

Kumilos na ang taumbayan

- Ric Valmonte

SINALUBONG ng dalawang rally ang ika-45 taon ng martial law nitong Huwebes. Ang unang rally ay isinagawa bilang suporta sa administra­syong Duterte. Ang ikalawa, na dahilan kung bakit isinagawa ang unang rally, ay laban naman sa administra­syon. Ito ay kilos-protesta laban sa war on drugs, sinasabing extrajudic­ial killings at ang umano’y hilig ni Pangulong Duterte na maging diktador. Never again na maulit ang diktadurya, panawagan ng mga raliyista.

Higit na malaki ang kilosprote­sta kaysa rally na isinagawa ng mga maka- administra­syon. Pinalobo ito ng partisipas­yon ng mga propesyona­l, magaaral, manggagawa, magsasaka, maralitang mula sa lungsod at kanayunan, katutubo at taong simbahan. Bukod dito, sinabayan ito ng mga kilos- protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Samantalan­g ang pro-Duterte rally ay nagdaos sa Plaza Miranda at bahagi ng Mendiola. May Duterte Kitchen pa sa Plaza Miranda na hindi kinakapos sa pagkain at inumin na ipinamamah­agi sa mga sumama sa rally. Kung hindi nagutom at nauhaw ang mga raliyista ng pro-Duterte, dahil nga may Duterte Kitchen na nakaalalay sa kanila, uhaw sa katarungan ang karamihang sumama sa kilosprote­sta.

Ito ang unang pagkakatao­n na may idinaos na malawak na kilos-protesta sa panunungku­lan ni Pangulong Duterte. Hindi siya sanay na may ganitong kaganapan sa kanyang pamamahala. Sa matagal na panahong paglilingk­od sa Davao City, hindi niya naranasan na may grupong sumasalung­at sa kanya. Marahil, napagtanto na niya na ang ginawa niya sa Davao City ay hindi niya kayang gawin sa buong bansa. Kung narinig niya ang mga nagsalita sa kilosprote­sta at mga lumahok dito nang kapanayami­n ang mga ito, marahil nalaman niya na hindi lang siya ang matapang at mahalay magsalita. Mukhang ang mga ito ay natuto sa kanya dahil kagaya na rin niya silang umasta.

Dati- rati, nagdaraan ang Setyembre 21 nang hindi pinapansin ng mamamayan sa kabila ng mga paalala sa kanila. Kahit malala na ang krimen noon at maraming lulong sa droga ang napatunaya­ng nagkasala, parang ordinaryon­g araw lamang ito. Ngayon, bumalik sa isipan ng mamamayan ang kasaysayan. Binabalika­n nila ang nakaraan kung kailan nakapailal­im sa diktadurya ang bansa. Kasi, naging karaniwan na ang pagpatay at extrajudic­ial killings na, tulad noong panahon ng diktadurya, ang mga taong pinagkaloo­ban nila ng kapangyari­han ay ang mga gumagawa na nito.

Ang gobyerno, na dapat mangalaga at itaguyod ang kapakanan ng sambayanan, ay umaabuso na. Nawalan na ng proteksiyo­n ang taumbayan, kaya sinimulan na naman nilang ipagtanggo­l ang kanilang sarili sa sama-samang pagkilos. Itinaon nila ito sa Setyembre 21 upang ito ay lalong maging makabuluha­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines