MABUTING BALITA
1 Tim 6:13-16 ● Slm 100 ● Lc 8:4-15
Napakakapal na tao ang nagkakatipon dahil pinupuntahan si Jesus ng mga tao mula sa kanikanilang mga bayan. Kaya nagsalita siya sa talinhaga:
“Lumabas ang manghahasik para maghasik ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan… at kinain ng mga ibon sa Langit. Nahulog ang iba sa batuhan, at nang sumibol ay nalanta… Nahulog ang iba pang buto sa gitna ng tinikan, at… sinikil ito ng mga tinik. Nahulog naman ang iba pa sa matabang lupa at nang sumibol ay nagbunga ng tig-iisang daan.” Pagkasabi nito’y sumigaw siya: “Makinig ang may tenga.”
…“Ito ang kahulugan ng talinhaga. Ang binhi ay ang Salita ng Diyos. Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nakakarinig nito pero agad namang dumarating ang diyablo; inaagaw niya ang salita mula sa kanilang isipan upang huwag silang manalig at maligtas. Ang mga nasa batuhan ay ang mga nakakarinig na masayang tinatanggap ang salita. Ngunit wala silang ugat kaya sandali silang nananalig at tumitiwalag naman sa panahon ng tukso. Ang nahulog naman sa mga tinikan ay ang mga nakakarinig ngunit sa pagpapatuloy nila’y sinikil ng mga kabalisahan, ng kayamanan at ng mga kasiyahan sa buhay kaya hindi sila nakapagbunga. PAGSASADIWA:
May ilang butong nahulog sa tabi ng daan.— Kadalasan, ang tuon ng pagninilay ay sa kung anong uri ng lupa tayo maihahambing. Tingnan naman natin ngayon ang ibang aspeto— ang “kapabayaan” ng naghahasik kung kaya nga’t may mga butong nahuhulog sa daan o dawagan at ang mga ito ay hindi nagbubunga.
Tayo ay mga naghahasik ng binhi subalit minsan ay nagkukulang sa pag-iingat kung kaya’t “nasasayang” ang ating mga pananim. Nahuhulog ang mga ito sa hindi dapat pagtaniman.