Emma Stone, ginalingan ang pagsayaw para maging si Billie Jean King
LOS ANGELES (Reuters) – Inamin ni Emma Stone na hindi siya manlalaro, kaya nang alukin siya para gumanap bilang ang dating world tennis No. 1 na si Billie Jean King sa pelikulang Battle of the Sexes, iba ang naging diskarte ng Oscar-winning actress -- galingan ang pagsasayaw.
Kabaligtaran ito ni King, nagpasimula sa laban para sa pantay na bayad sa tennis mahigit 40 taon na ang nakalilipas, na inilagay ang sarili sa posisyon ni Emma habang inaalalayan ang aktres upang gumanap sa kanyang karakter.
“I tried to put myself in Emma’s shoes. That’s really taking a risk portraying someone who is still alive. I‘m like, ‘God, that’s a little pressure,” sabi ni King.
Si Emma, 28, at ang 73-anyos na tennis legend ay naging mabuting magkaibigan habang ginagawa ang pelikula na nagsasalayasay sa istorya sa likod ng 1973 exhibition match ni King laban sa dating men’s champion na si Bobby Riggs ( Steve Carell) para labanan ang sexism sa sport at lipunan. Ipinalabas ito sa mga sinehan sa U.S. nitong Biyernes.
Si Emma, nagwagi ng Oscar nitong nakaraang Pebrero para sa song and dance musical na La La Land, ay hindi pa kailanman nakapaglaro ng tennis kaya ang mga nauna niyang session kay King ay nakatuon sa footwork at choreography.
“I danced, so footwork was good. (And) I had been on stage before and when Billie Jean went out onto the tennis court it felt like her stage, so she really keyed in on that,” sabi ni Emma.
Sumunod ang ilang linggong pagsasanay sa pag-serve at cross-court backhands, ngunit para kay Emma, maging ang mga pinakasimpeng bagay ay mahirap.
”We went to the U.S. Open... and I was sitting next to Billie Jean, and Sloane Stephens was catching balls and tucking them in her skirt and bouncing them with the racquet.
“It’s just little in-between stuff but that took me months to learn!” ani Emma.
Kumuha ng professional players para gayahin ang shots sa laban kontra Riggs, na pinanood ng mahigit 50 milyon sa telebisyon.
Sa kanyang parte, ilang linggo na nagtrabaho si King kasama ang screenwriter na si Simon Beaufoy para balikan ang mga naging karanasan niya noong early 1970s, nang hindi lamang niya inistablisa ang breakaway Women’s Tennis Association at hinamon si Riggs ngunit nakikipaglaban din sa kanyang sariling sexual identity. Lumantad siya bilang gay noong 1981.
Mahigit 40 taon matapos talunin si Riggs, patuloy na nakikipaglaban ang kababaihan para sa equal pay at rights sa loob at labas ng tennis court, na hindi ikinagulat ni King.
”If you read history, you realize how slow progress is and that it’s each generation’s job to try and move the ball forward.
“We’ve come further, but we’ve a lot further to go,” ani King.