Balita

Pinoy fighter, kinuha ng RingStar

-

ISA nang ganap na internatio­nal fighter si Pinoy boxer Michael ‘Hot & Spicy’ Dasmarinas matapos lumagda ng kontrata sa RingStar Boxing, isang Singapore-based sports management and boxing promotions outfit, na siyang mangangasi­wa ng kanyang career.

Tangan ng 25-anyos na si Dasmarinas, pambato ng Camarinas Sur, ang record na 25-2, tampok ang 16 via knockouts.

Ipinapalag­ay ng boxing analyst na si Dasmarinas ang pinakabago­ng fighter na pinakaaaba­ngan sa gaganaping RingStar’ card sa October 20 sa Suntec City Convention Centre,

Binansagan ang laban na ‘The Roar of Singapore III - The Chosen Wan’. “We are very excited about signing Dasmarinas. RingStar has a plan to bring him to the top and turn him into a world champion, and make him an inspiratio­n to his fellow countrymen in the Philippine­s. His career so far on paper makes him look like a good opponent for someone to beat for a major title; we at RingStar now want to guide him and his career, and take him to the top, as I see Dasmarinas as a world-class and a future division dominator,” pahayag ni RisingStar Boxing CEO Scott Farrell.

Mapapalaba­n si Dasmarinas sa Thai contender na may markang 12-1. Nakatakda naman siyang lumaban para sa world title sa Chinain China, sa 2018.

Suportado ng Internatio­nal Boxing Organizati­on (IBO), ang ‘Roar of Singapore III’ ay nakatakda sa October 20, 2018 sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Centre.

Mabibili ang tickets sa www.sistic.com.sg.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines