Balita

4-stag finals sa Pitmasters Cup

-

MAGHAHARAP ngayon para sa 4-stag finals ang mga may iskor na 3 hanggang 3.5 puntos mula sa 3rdsemifin­als sa pagpapatul­oy ng 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby sa Newport Theather ng Resorts World Manila.

Aksiyong umaatikabo bago ang pinaka- aabangan na grand finals bukas sa pagitan ng mga nagungunan­g entries na may mga iskor na 4, 4.5 o 5 puntos.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagt­ulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na world-class stagfighti­ng event ay eksklusibo­ng itinataguy­od ng Thunderbir­d Platinum and Resorts World Manila.

Ang pinaka-aktibong mananabong ng Davao City na si Jun Bacolod ay magbibitaw ng 16 na tinale ngayon upang pangunahan ang may 40 kalahok sa nakalinyan­g ikalawang 4-stag finale sa pagitan ng mga may iskor na 3-3.5 puntos mula sa huling araw ng semis noong nakaraang Setyembre 20. Ang entry ni Bacolod na Roan Escapades ay papasok na may 3.5 puntos, samantalan­g ang tatlo pa niyang entry na Roan Cuyo Palawan, Roan Ito Na at Roan Drunken Master 2 Matina 3rd Anniv. Nov. 18M) ay may tigatlong puntos.

Ang kay Arman Santos na Jade Red Hacienda at kay Patrick Antonio na Sagupaan Chick Booster Inguel gamit ang manok ni Inguel Ignacio ay kapwa nasa unahan din na may tig-3.5 puntos.

Buhay pa din ang pag-asa na may tigatlong puntos sina Col. Katigbak (Oct. 20 5-Stag Lucena Cockpit Arena), Boss Ding Garcia (Armani), Elwin Javelosa (RJM ESJ), Alexander Alea (Alea Gamefarm/ Immanuel), James Siason/Carlos Go (JPS Skybird), Miko Policarpio (MP Acapolco), Loy Go/LP/JJB (LG LenMan), Engr. Celso Salazar (Caswayne), Raffy Zaide (Kaliwete), Kap. Ruben Gregorio/Dori Du/ LGM ( RAG Matina Big Event Father & Son Pot 200K , Noel Jarin (AAO Hyper BH#), Alex Ty (ATY Sumugat), Anthony Lim (Lucban 2), Boss Ceasar (CDE ARL Warriors), Jonald Laxamana (LZ Farm JRE Gensan City), Danny Bulldog (Bulldog Jess Feb. 10, 2018 sa Laoag City), Cing. Peter Unabia/RB (Sta. Maria/Sr Pedro Knights 2) and two entries of Gov. Eddiebong Plaza (Roostervil­le 1 EP and Roostervil­le 2 EP), Athony Marasigan (MOA Kate Wanda) at Patrick Antonio (Sagupaan Complexor Inguel).

May kapahintul­utan ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby ay nagbibigay ng world-class na sagupaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines