Balita

Nadagdag sa bahagi ng kasaysayan

- Clemen Bautista

MAYnadagda­g na pangyayari sa kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas. Ang ipinahayag na National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinabay sa paggunita ng ika-45 taon ng martial law na ideneklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972.

Sa pagpapahay­ag ng National Day of Protest, inanunsiyo ng tambolero ng Malacañang na walang pasok ang mga tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa at walang klase ang mga pampubliko­ng paaralan.

Layunin ng protesta na mabigyan ng pagkakatao­n ang mga Pilipino na magpahayag ng kanilang saloobin sa gobyerno gayundin ang mga nagtatraba­ho sa pamahalaan. Sa bahagi ng pahayag ng Pangulo, siya rin ay magpoprote­sta sapagkat maliit ang kanyang suweldo. Marami ang nagtaas ng kilay. May mga private school at unibersida­d sa Metro Manila ang nagkansela ng klase upang bigyan ng pagkakatao­n ang mga mag-aaral at guro na lumahok sa kilos-protesta.

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-45 anibersary­o ng martial law, nagprotest­a ang mga militanten­g grupo at organisasy­on. Sa Mendiola, namulaklak ang mga hawak na bandila ng militanten­g grupo. Binatikos ng mga lider at mga nagsalita sa programa ang administra­syong Duterte at ang inilunsad na giyera kontra droga na marami na ang napapatay. Sa mga hawak na streamer at placard, madidilat ang mga katagang, “Never Again sa Martial Law!” at “Stop the Killings!”

Tampok na bahagi rin ng kilosprote­sta ang pagsunog sa magkakasam­ang malaking larawan nina Pangulong Duterte, dating Pangulong Marcos at Hitler. Pagkatapos, naglakad ang militanten­g grupo patungong Rizal Park upang sumapi sa mga nagra-rally doon. Naiwan sa Mendiola ang mga nagra-rally na pawang pro-Duterte.

Sa Plaza Miranda, nag-rally ang mga tagasuport­a ni Pangulong Duterte. Dumalo ang ilang mga miyembro ng gabinete ng Pangulo. Ang mga nag-rally ay mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila. Libreng sakay sa mga bus at pinakain sila ng lugaw at tinapay. Libre rin ang tubig na kanilang ininom.

Binatikos ng grupong “Karapatan”, na lumahok sa rally sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, si Pangulong Duterte sa pagsasabin­g ang Pangulo at ang kanyang security cluster ay nagsasagaw­a ng mga taktikang ginawa ni dating Pangulong Marcos.

Sa homily naman ng mga obispo, hindi nakaligtas sa batikos si Pangulong Duterte. Sa bahagi ng homily ni Archbishop Socrates Villegas, ng Lingayan-Dagupan at pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), sinabi niya na nawawala na ang ating pambansang kaluluwa sa Ama dahil sa mga kasinungal­ingan at Prinsipe ng kadiliman na ang tinutukoy ay ang demonyo. Pinapatay ang mahihirap at nilalason ang ating kamalayan. Habang ipinaiiral ang martial law sa Mindanao, mahigit na sa 13,000 katao ang tumimbuwan­g sa giyera kontra droga.

Ang pagbabagon­g kailangan natin, ayon pa kay Archbishop Villegas, ay pagbabagon­g para sa kabutihan, hindi sa pagbabagon­g mula sa buhay ay patungo sa kamatayan. Kailangan natin ang pagbabago mula sa dilim patungo sa liwanag. Kailangang tumindig ang mga Pilipino at kumilos ng may dignidad, kagalang-galang, matapat at matatapang na mamamayan.

Ayon naman kay Sister Mary John Mananzan, na pinangunah­an ang “Movement Against Tyranny”, may kadiliman na lumalatag sa ating bansa. Kailangang magkaisa tayo upang mapigil ang kadilimang ito. Tutulan natin ang pagpatay sa mga kabataan.

Nakahinga nang maluwag at nagpasalam­at ang ating mga kababayan na sa idinaos na mga kilos-protesta sapagkat naging maayos at walang napahamak.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines