Balita

‘Code of silence’ sagabal sa hazing investigat­ion

- Reynaldo Panaligan, Hannah L. Torregoza, Raymund F. Antonio, at Mary Ann Santiago

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang “code of silence” sa mga fraternity at ang pagbabanta sa mga posibleng testigo ay sagabal sa imbestigas­yon sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ngunit hinikayat ni Aguirre ang mga testigo na lumantad at nakiusap sa Aegis Juris fraternity ng UST na makipagtul­ungan sa imbestigas­yon.

“I ask them to come out and tell the truth and we will protect them under the Department of Justice’s (DoJ) witness protection program (WPP). They should trust us instead of those people hiding them or advising them not to come out,” aniya.

Kinumpirma ni Aguirre na may natatangga­p nang banta sa buhay ang dalawang testigo na lumapit sa kanyang tanggapan.

“They are afraid because they already received threats. They have not submitted affidavits yet despite our assurance to cover them under the WPP,” ayon kay Aguirre.

Aniya, posibleng hindi makuha ng DoJ ang buong kooperasyo­n ng dalawang posibleng testigo.

“So that’s a problem. We don’t know if they’ll cooperate,” ani Aguirre. INITIATION PARA SA ‘BONDSHIP’—LACSON Kinakailan­gang magsagawa ng initiation rites upang bumuo ng “bondship” at ang mga miyembro ng fraternity organizati­on, ayon kay Senator Panfilo Lacson.

Ngunit habang kinokonden­a ang pagkamatay ni Castillo, sinabi ni Lacson na naiintindi­han niya kung bakit mayroon pa ring hazing sa kabila ng mga paraan upang ipagbawal ito at kung bakit kinakailan­gang sumailalim sa matinding initiation rites ang mga miyembro ng fraternity o sorority organizati­ons.

“From my experience in the PMA, even cavaliers share this, it is primarily needed for bondship. Plus it’s needed to instill discipline. Because it’s sweeter when you get recognized after going through something dangerous,” pahayag ni Lacson sa panayam sa radyo.

HAZING ‘DI KAILANGAN—ROBREDO

Bakit kailangan magkasakit­an?

Ito ang naging pahayag kahapon ni Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo sa pagkamatay ni Castillo.

“Napakalung­kot. Hindi naman kinakailan­gan mangyari. Ang tanong natin bakit nangyayari?” pahayag ni Robredo sa kanyang weekly radio show, “BISErbisyo­ng Leni.”

Sinabi ng Bise Presidente na hindi kinakailan­gang sumailalim sa matinding initiation rites, gaya ng hazing, ang mga bata para maging fraternity members.

“Sinasabi kaya nagkakaroo­n ng hazing kasi ito iyong parang sukat gaano ka kadesido maging bahagi ng grupong ito. Marami ibang paraan para masukat mo paano maging kadesido iyong isang tao para sumali (sa fraternity),” sabi ni Robredo. PAGBAWAL SA HAZING PINABORAN NG CHED Pabor ang Commission on Higher Education ( CHED) na tuluyan nang ipagbawal ang hazing sa pamamagita­n ng pag-amyemda sa Anti-Hazing Law of 1995, ngunit tutol naman itong buwagin ang fraterniti­es at sororities sa bansa.

Nagbigay ng pahayag si CHED Executive Director Julito Vitriolo kasunod ng pagpatay kay Castillo.

“Matagal na rin naming minumungka­hi na dapat rebisahin ang batas na ito kasi unang una, ‘yung hazing and other forms of initiation rites na dangerous sa security ng estudyante o ng tao ay dapat hindi na hinahayaan. Dapat immediatel­y prohibited ‘yan or outlawed,” ani Vitriolo, sa panayam sa radyo.

“Medyo (may) depekto ‘yung batas, parang merong implicit or even expressed recognitio­n na kailangan mo pa ng notice (na magsagawa ng hazing), wala namang gumagawa niyan (bago ang notice)... Ang tingin ko dapat ito ipagbawal nang tuluyan,” aniya pa.

Sa kabila nito, tutol si Vitriolo na tuluyan nang buwagin ang mga fraterniti­es at sororities.

“Hindi dapat tanggalin ‘yan (fraterniti­es), dapat ‘yung fraternity i- recognize na organizati­on na merong positive inputs sa society, productive... I-regulate ‘yan but yung bad practices niya ang ipagbawal,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines