Balita

Holdaper dedo sa panlalaban

- Mary Ann Santiago

Nalagutan ng hininga ang isang holdaper matapos manlaban sa mga pulis nang biktimahin nito ang isang hotel receptioni­st sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng suspek na isinugod pa sa Ospital ng Maynila ngunit nasawi rin dahil sa tinamong mga bala sa katawan.

Sa ulat ni PO1 Elpidio Ammogawen, Jr., ng Manila Police District (MPD)-Station 9, naganap ang engkuwentr­o sa Mabini Street, malapit sa kanto ng Quirino Avenue sa Malate, dakong 2:45 nang madaling araw.

Una rito, nakatangga­p ng sumbong ang awtoridad mula sa biktimang si Tricia Dizon, 23, hinggil sa panghohold­ap sa kanya ng armado habang naghihinta­y ng masasakyan­g jeep.

Tinangay umano ng suspek mula sa biktima ang Samsung Galaxy Grand Prime na nagkakahal­aga ng P12,000 at wallet na may lamang P200.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at hinanap ang suspek.

Namataan nila ang suspek, na nakasuot ng itim na sando at maong pants, na naglalakad sa Mabini St., at kanilang kinorner.

Gayunman, sa halip na mapayapang sumuko ay bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputuka­n ang mga alagad ng batas.

Dito na napilitan ang awtoridad na gumanti na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver, isang balisong at dalawang pakete ng hinihinala­ng shabu, gayundin ang cell phone at wallet ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines