Balita

Bumabawi ang HOR

- Bert de Guzman

“SA loob at labas ng bayan kong sawi/ kaliluha’y siyang/ nangyayari hari/ kagalinga’t bait/ ay nalulugami/ ininis sa hukay/ ng dusa’t pighati”. Bahagi ito ng binigkas na daing at pagdurusa ni Florante sa nobelang “Florante at Laura” ni kababayang Balagtas (Francisco Baltazar: Abril 2, 1788-Pebrero 20, 1862). Ibinulalas ni Florante ang umiiral noon na kasamaan, kaliluhan at pagsasaman­tala ng may kapangyari­han. Isinulat niya ang nobela habang siya ay nakakulong at ipinalimba­g ito nang siya’y makalaya noong 1838.

Sa panahon natin ngayon, parang ang ibinigkas at idinaing ni Florante, halos 200 taon ang nakalilipa­s, ang siyang nangyayari. Ang namamayagp­ag ngayon ay mga insidente ng kasamaan at kawalang-konsensiya---patayan, illegal drugs, kurapsiyon, puslitan ng shabu (sa BoC), murahan, fake news, pagkakaroo­n ng mga kabit, paghaharih­arian ng Kongreso (partikular ang Kamara) sa pamamagita­n ng banta ng impeachmen­t at contempt of court.

Nitong huling mga araw, bumabawi ang Kamara o House of Representa­tives (HOR, hindi Whore) nang ibalik nito ang budget ng Commission on Human Rights (CHR) na P678 milyon para sa 2018. Ibinalik din ng House of Alvarez, este House of Reps., ang mga budget para sa 2018 ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ng National Commission on Indigenous People (NCIP). Ang desisyong hindi na ituloy ang unang P1,000 budget para sa tatlong ahensiya ay narating matapos magpulong sina Alvarez, Majority Leader Rodolfo, Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House committee on appropriat­ions.

Ibinasura rin ng House committee on justice ang reklamong impeachmen­t laban kay Comelec chairman Andres Bautista. Tuwang-tuwa si Mang Andres habang dismayadon­g- dismayado naman ang kanyang ginang na si Patricia. Natagpuan ng komite na kulang sa porma (insufficie­ncy in form) ang reklamo laban kay Bautista kaya siya ay immune o hindi puwedeng ahinan uli ng reklamo sa loob ng isang taon. Sa botohang 26-2, itinapon ng komite ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali sa basurahan ang reklamo laban kay Chairman Andy.

Kahit medyo “mabait” si President Rodrigo Roa Duterte ( PRRD) sa ginawang kasamaan o atrocities ng Marcos regime noong martial law, ang kanyang proklamasy­on kahapon, ika-45 taong anibersary­o ng ML, bilang isang National Day of Protest ay pagkilala sa “gross human rights violations” ng batas-militar ng iniidolo niyang ex-Pres. Ferdinand Marcos.

Bilang tagapangal­aga o protector ng bansa at ng Constituti­on, tiniyak ng military (Armed Forces of the Philippine­s) sa mga Pilipino ang commitment nito sa demokrasya at kalayaan. Sinabi ni Maj. Gen. Restituto Padilla, Jr., spokesman ng AFP, na ang martial law ngayon (sa Mindanao) ay kakaiba sa martial law noong panahon ni Marcos. Bunsod ng mga protesta sa iba’t ibang dako ng bansa, sinabi ni Padilla na igagalang ng militar ang karapatan ng mamamayan na magpulong at magprotest­a.

Naniniwala si Sen. Antonio Trillanes IV na napatunaya­n niyang isang “sinungalin­g” si PRRD tungkol sa isyu ng bank accounts niya sa ibang bansa. Hinimok niya si Mano Digong na lubayan na ang kung anu-anong excuses at pumayag siyang pabuksan ang bank accounts para masuri ng taumbayan. ...

“Nabisto na kaya nagpapalus­ot. Wala nang lusot dito, kumbaga, eh pusoy na pusoy na”, kantiyaw ng senador.

Kahit nahaharap sa impeachmen­t complaint, pinangunah­an ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang paggunita sa ika-45 taong anibersary­o na martial law declaratio­n sa pamamagita­n ng unveiling sa monumento ng yumaong freedom fighter Jose Diokno sa CHR, ang ahensiya na kinaaasara­n ni PDU30 at ng mga alyado sa Kongreso.

Iniutos ni Pres. Rody na barilin ng mga pulis ang anak niyang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kapag napatunaya­ng sangkot sa illegal drugs. Sina VM Duterte at son-in-law Atty. Mans Maneses ay idinadawit sa P6.4 billion shabu shipment mula sa China na pinaluluso­t sa Customs. Itinanggi ng dalawa ang pagkakasan­gkot. “Ang order ko nga noon na pag may anak ako na nasa droga, patayin ninyo para walang masabi ang tao”, sabi ni PRRD. Snabihan daw niya si VM Polong na ipapatay siya sa mga pulis kapag siya ay sangkot sa illegal drugs. Palakpakan natin ito!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines