Balita

Luis Manzano, ipinaliwan­ag kung bakit siya pumapatol sa bashers

- Ni ADOR SALUTA

AMINADO si Luis Manzano na “patola” o mapagpatol siya sa bashers na wala nang ginawa kundi punahin ang bawat kilos ng mga artista.

Nakausap namin ang kahihirang na Darling of the Press ng PMPC Star Awards sa kanyang thanksgivi­ng party for the club at kanyang sinabi na ang isa ito sa mga natutuhan niya sa amang si Edu Manzano: “Don’t take shit from anyone!”

“Oo naman! Iumpog ko pa sila sa pader, eh!” nagbibiron­g sabi ni Luis sabay tawa. “Sabi ko, you can only go so far from being a victim. Kasi ‘ pag tahimik ka lang... ito ‘yung point ko, I understand naman the other side, na ‘pag tahimik ka lang, okay, dadaan din ‘yan. Pero ang sa akin is, ‘pag tahimik ka lang, sanay ‘yung mga tao, ‘pag kunwari ba may nakikita kang abuso na nangyayari sa government, tatahimik ka lang ba dahil, ‘hindi, normal naman ‘yan nowadays’?

“Hindi! Di ba? Kung nanahimik naman ako, wala akong inaagrabya­do, titirahin mo ako, eh, di mas yayariin kita! Para matuto ka! Iyon ang sa akin, e!” katwiran ng host ng I Can See Your Voice.

“Naalala ko nga ‘yung issue na... naalala n’yo ba, matagal-tagal na ‘yun, na meron akong waiter na binastos daw? Sabi ko, du’n ko napatunaya­n na sa industriya, or in general, in life, hindi totoo ‘yung saying na, ‘Where there’s smoke, there’s fire.’

“Hindi totoo ‘ yun! ‘ Yung sinasabi natin, hindi lalabas ang isyu kung walang katotohana­n, di ba, ng kahit anong bahid ng katotohana­n. Du’n ko napatunaya­n na it’s not true. Kasi, unang-una, di ba, ‘yung isyu na ‘yun, ‘yung kumain daw kami ni Billy ( Crawford) sa isang steak house, ‘ tapos mali ‘ yung pagkakalut­o nu’ng steak, nagwala daw ako.

“Sinabi ko pa daw na, ‘Ipapasara ko ito! Hindi n’yo ba ako kilala? Powerful ang magulang ko!’ ‘Tapos, dinuraan ko pa daw ‘yung sapatos niya,” tuluy-tuloy na kuwento ni Luis.

“Unang-una, kailan kami kumain ni Billy ng kami lang dalawa?”

Sa Instagram post ng isang basher lumabas ang naturang paratang kay Luis.

“Ang haba! Kahit ako, kunwari outsider, mabasa ko, ‘yung amount ng details, parang totoo! ‘Yung akala mo MMK ( Maalaala Mo Kaya) na nagpadala ng sulat! Ang haba!

“So, sabi ko, du’n ko napatunaya­n na hindi totoo ‘yung ‘where there’s smoke, there’s fire.’ Minsan talaga, there’s smoke na walang… and, unfortunat­ely, ang daming naniwala,” naiinis na pagtatapos ni Luis.

 ??  ?? Luis
Luis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines