Balita

Angel, lihim na kaaway ni Richard

- Ni REGGEE BONOAN

LALONG nagiging interestin­g at lumalalim ang kuwento ng La Luna Sangre at tama ang hinala namin nang bumalik si Angel Locsin bilang si Jachintha Magsaysay, hindi totoong kakampi siya ni Sandrino/Supremo/Gilbert Imperial ( Richard Gutierrez).

Sa umereng episode noong Biyernes, nabawi ng grupo ni Baristo ( Joross Gamboa) si Cattleya ( Sue Ramirez) sa kamay ng mga bampirang pinamumunu­an ni Sandrino/ Supremo/ Gilbert Imperial). Kaya galit na galit na naman ang huli at inalam kung sino ang kumuha sa kanilang bihag.

Nalaman na may makapangya­rihang babaeng bampirang nakapula na tumulong sa grupo nina Baristo kaya gigil na gigil si Supremo/Gilbert at pilit na ipinahahan­ap kung sino ito. Dahil malakas ang kapangyari­han, naisip niya si Lia (Angel) na hindi sumipot sa kanilang tagpuan.

Pero ang iniisip nina Baristo (Joross) at Malia ( Kathryn Bernardo) ay si Samantha ( Maricar Reyes) ang nagligtas sa kanila, kasi nga ito ang bampirang malakas ang kapangyari­han bukod kay Supremo.

Paalis na si Supremo/ Gilbert nang dumating si Jacintha Magsaysay ( Angel) na nagsabing nasiraan ng sasakyan kaya na-late, pero iba ang duda ng una dahil nga hindi rin niya makontak ang cellphone nito nang tawagan niya.

Ipinakita rin sa La Luna Sangre na tinuturuan­g sumayaw ni Jacintha si Gilbert, “Kailangan mong matutong sumayaw sa kaaway mo.”

At cliffhange­r na nakita ni Malia na sinugod ng mga bampira si Tristan ( Daniel Padilla) sa pangunguna ni Omar ( Ahron Villena).

Samantala, walang pressure sa La Luna Sangre ang ratings war dahil nanatili silang panalo sa laban sa katapat na Alyas Robinhood 2 ng GMA-7.

 ??  ?? Angel at Richard
Angel at Richard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines