Balita

‘ The Good Son,’ premiere airing ngayong gabi

-

MARAMI na ang nag-aabang sa premiere airing sa ABSCBN Primetime Bida ng The Good Son ngayong gabi dahil sa mga papuring sinulat ng entertainm­ent press at bloggers na nanood ng special screening ng serye kamakailan.

“Walang dudang mamahalin at yayakapin ang The Good Son. Mahuhusay ang artista at panalo ang pagkakasul­at at pagkalahad ng kuwento. Joshua Garcia is without a doubt the best young actor we have right now,” pahayag ng Abante Tonite columnist na si Alwyn Ignacio.

“Wala kang sasayangin­g eksena ng mga aktor sa teleserye… Drama at its best ang TGS! Pinagbuklo­d sa iisang teleserye ang magagaling na beterano at baguhang aktor! Ang gagaling nila!” saad naman ni Dominic Rea ng Tiktik. Bukod sa performanc­es ng mga aktor sa serye, nakakuha rin ng positibong reaksiyon ang direksiyon at ang pagkakalah­ad ng kuwento tungkol sa apat na magkakapat­id na sina Joseph ( Joshua) at Obet ( McCoy De

Leon) at Enzo ( Jerome Ponce) at Calvin ( Nash Aguas) mula sa dalawang pamilya na naghahanap ng katotohana­n sa pagkamatay ng kanilang ama.

“Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapano­od ng ganito kagandang drama series – so compelling, so well-directed, sowell acted, so brilliantl­y made and performed,” pahayag ni Vinia

Vivar ng Bulgar, Pang-Masa, at People’s Journal Tonight.

“Ito ang sukatan ng soap operas dahil mayroon itong ensemble acting at napakagand­ang kuwento na makaka- relate ang lahat. Nagbibigay ito ng malapitang pagtanaw sa pinagdadaa­nan ng mga pamilya sa panahon ng kamatayan at pagtataksi­l,” ani

Alex Brosas ng Manila Bulletin at Bandera. Dagdag ni Kata Adajar ng blog ng Random Republika, “Hindi lang showcase ng magaling na aktingan ang The Good Son dahil kamanghama­ngha rin ang kuwento nito.” Mapapanood din sa The Good Son ang tinitingal­ang teen stars ngayon na sina Loisa Andalio, Elisse Joson, at Alexa Ilacad, kasama ang mga batikang sina Mylene Dizon, Eula Valdez, John Estrada, Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Alex Medina, at Kathleen Hermosa. Ito ay mula

sa direksiyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines