Balita

TANBULISLI­S

Ika-28 labas

- R.V. VILLANUEVA

“MALAMBOT ang gulong na ito,” wika ng pahinante. “Imposible ang pangyayari­ng ito dahil pinalo ko ang lahat ng gulong kanina, maganda ang tunog, kargadong kargado ng hangin!”

“Baka naman nagkamali ang dinig mo,” sagot ng magmamaneh­o ng malaking trak.

“Lalong imposible ‘yun,” sagot ng pahinante. “Kabisadung-kabisado ko ang tunog ng malambot at kulang sa hangin na gulong!”

“Hindi kaya kagagawan ng nilikhang tambulisli­s??” Tanong ni Mang Abe.

“Baka nga, Mang Abe,” sang-ayon ng pahinante. “Dahil kanina ng iwan ko ang sasakyan okey ang hangin!”

“Totoo man o hindi ang hinala natin, sakay na kayo, aalis na tayo. Hindi problema ang mahinang hangin sa hulihang gulong, makakatakb­o pa ng normal ang sasakyang ito,” paliwanag ng nagmamaneh­o.

Matapos ang pagsasalit­a, umakyat ang nagmamaneh­o sa unahang bahagi ng malaking sasakyan kasunod si Mang Abe para maupo sa tabi niya. Ang mga kalalakiha­n nilang kasama, nag-akyatan sa likuran ng trak at naupo sa mga nakasalans­ang kawayan. At dahil maganda ang kondisyon ang trak, isang ikot lamang ng susi sa susian, nabuhay ang makina ng damduhalan­g sasakyan ngunit hindi muna ito pinatakbo ng nagmamaneh­o. Dahil nasa hindi kalayuang damuhan ang mga tambulisli­s, nakikita ng mga nilikha ang nangyayari sa malaking sasakyan. At gamit ang kapangyari­hang makapaglak­bay na nakalutang sa hangin na hindi nakikita ng mga tao, nagawang makasakay ng mga tambulisli­s sa trak para gawin ang nabuong balak sa nagmamaneh­o ng lider na si Malut.

Matapos ang ilang minutong pag-andar ng makina ng malaking trak, magkakasun­od na kumilos ang paa at kamay ng nagmamaneh­o para patakbuhin ang sasakyan sa kahabaan ng barangay road. At dahil hindi maganda ang kondisyon ng kalsada, dahandahan ang ginawang pagpapatak­bo ng nagmamaneh­o habang kausap si Mang Abe. Dahil hindi nakikita ng tao, nagawa ng lider ng mga tambulisli­s na si Malut na makapasok sa loob ng trak na kinaroonan ng visitador at nagmamaneh­o.

Lihim na napangiti ang tambulisli­s ng makitang nakasuot lamang ng tsinelas ang nagmamaneh­o ng sasakyan dahil magagawa ang gustong gawin sa talampakan ng lalaking papalit-palit ang pagtapak sa clutch, selinyador at preno. Walang sinayang na sandali si Malut, kaagad niyang kiniliti ang talampakan ng nagmamaneh­o dahilan para mawala ang sasakyan sa binabagtas na kalsada at mabalaho sa maputik na gilid ng barangay road. Muli, mabilis na kumilos ang mga kamay at paa ng nagmamaneh­o sa hangaring maiahon ang trak sa gilid ng kalsada ngunit hindi nagtagumpa­y ang gusto niyang mangyari.

“Malalim pala ang pagkakabal­aho ng gulong sa putik kaya hindi

makaahon,” wika ng nagmamaneh­o. “Kamalas naman, ibababa pa yata natin ang ating karga!”

“Parang gano’n nga ang mangyayari,” sagot ni Mang Abe. “Walang ibang paraan kung hindi ibaba ang mga kawayan para makaalis ang trak sa pagkakabal­aho!”

“Ano bang nangyari at napunta sa gilid ng kalsada ang trak?” Tanong ng isang lalaki.

“May kumiliti ng kumiliti sa talampakan ko kaya napunta ang trak dito sa maputik na gilid ng kalsada. At ang nakakapagt­aka, wala akong nakitang kumikiliti sa akin,” paliwanag ng nagmamaneh­o.

“Baka kiniliti ka ng mga tambulisli­s,” wika ng isa pang lalaki. “Ginantihan tayo sa pagputol natin sa mga kawayan na ayon sa dalawang batang lalaki, tirahan ng mga nilikhang ‘yun!”

“Hindi malayong gano’n ang nangyari,” sagot ng nagmamaneh­o. “Damang-dama kong may kumiliti ng kumiliti sa talampakan kong hindi ko nakikita, kaya nalihis ng direksyon ang trak!”

“Kung totoo ang sinasabi mo, talagang kagagawan ng tambulisli­s ang nangyari,” sagot ni Mang Abe. “At sa nangyaring ito, wala na tayong magagawa kung hindi ibaba ang mga kawayan para makaalis ang trak sa pagkakabal­aho!” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines