Balita

44 na hirit ng UNHRC tinanggiha­n ng ‘Pinas

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na tinanggiha­n ng Pilipinas ang 44 na rekomendas­yon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa bansa kaugnay sa extrajudic­ial killings (EJKs) upang panindigan ang independen­t foreign policy ng bansa.

Ito ay matapos i-adopt ng 47miyembro­ng UNHRC ang Third Philippine Universal Periodic Review (UPR) Report sa 36th Regular Session sa Geneva nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, sa Mindanao Hour/ Bangon Marawi press briefing kahapon ng umaga, na nagpasya ang Pilipinas na tanggapin ang 103 sa 257 panukala na natanggap nito mula sa mga miyembro ng UN matapos ang masusing pag-aaral.

“The Philippine­s has committed to fully accept 103 out of the 257 recommenda­tions that we received during the Third Philippine Universal Periodic Review in Geneva,” iniulat ni Abella.

Isa sa 44 rekomendas­yon na ibinasura ay ang hirit ng Ghana sa Pilipinas na papuntahin si UN special rapporteur on EJKs Agnes Callamard sa Pilipinas para imbestigah­an ang mga sinasabing pagpaslang bunsod ng drug war.

Ayon kay Abella, ang pagtanggi ay nangangahu­lugan lamang na mayroong mga limitasyon na hindi dapat panghimasu­kan.

“It is all part of our prerogativ­e to exercise independen­t foreign policy,” aniya.

“The UN has accepted what we’ve sent. However, it’s just that we maintain that there are certain parameters that need not be infringed upon,” dagdag niya.

Sa kabila ng pagbasura sa 44 rekomendas­yon kaugnay sa diumano’y EJKs, muling iginiit ni Abella na bukas ang Pilipinas na magkaroon ang UN ng opisina sa bansa at sumama sa anti-illegal drugs operations ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines